Yellow

Yellow light everywhere. At each traffic light, just as I’m about to drive across, the light change from green to yellow. And I try to always beat the red light. Usually there are no police in sight, but I feel bad. I know I am not supposed to do it.

But is there anything else I can do to reach you?

Yellow means yield. Yellow is a warning to stop. But here, yellow is a challenge. Yellow is a test if I can make it or not without getting apprehended. The rush, oh the rush! But I know I am not supposed to do it.

Tell me, is there anything else I can do to reach you?

For every yellow light gone unnoticed, I am now resolved to the fact that the point is not to reach you at all. Why do I keep chasing someone who keeps running away from me? Hell, if you wanted me to reach you, you should’ve stopped at the first traffic light and wait for me. I am not supposed to challenge the yellow light and beat the red light. I need to slow down, step on the brake and wait for the light to turn green again.

You may be farther away from me when I do that. But I guess it’s fine. Maybe someone else will be waiting by the intersection, needing a ride.

Advertisements

1 x 4 x 3

There’s a box.

I’m mustering all the braveness I have to hold your hand, squeeze it tight, and pull you close to it. We enter and we’re met by the jazz music and the smell of coffee. There’s a high glass window beside the door with a bar and high stools so you can watch the cars passing by under the big trees and concrete. Walls on either side where paintings and inspiring quotes hang. There’s a space for four couches behind the high chairs but we don’t sit there. We have our own spot upstairs.

We pass by the pastry display, two POS machines, a smiling barista, a milk station and a row of tables and chairs before turning left for the stairs. My palm twined in your hand is sweating but I am not letting go. We go up and found the second story with a few people all busy reading thick books on medicine and law with numerous cups of coffee and pastries in their tables. Sweaters and headphones on, they’re finding their much-needed quiet place here in this box.

We don’t usually sit in a couch since we think it’s for sore losers who don’t usually go to our little place. We reserve that for people we love to bitch about on our downtimes. Yes, we are coffee snobs like that. But now, I walk straight to where the couches are. I stop by the table and let you slide through the soft couch nearest the glass window. From there, you can quite see the sunset from the bay across. It’s couch time because you’ll be staying here for a long time.

In this box, you can have all the mocha frappuccinos you want. Have that extra whipped cream on top for every cup. No one will stop you. You don’t have to worry about your sugar level. When you’re hungry, just grab a chocolate-dipped doughnut from the pastry display. No one will stop you. You can have it your way. There will be no shortage of the things you want in this box. Time is going to be still. There will be sunsets but it will always be beautiful. It will always make you hopeful for another sunrise. And you will always smell coffee but you’ll still and always will prefer your mocha frappuccinos no matter what time it is. And it’s okay.

Because in this box, you rule.

But in this box, I won’t stay.

As you get comfortable in your seat, I let go of your hand. I love you and I love myself too. Before, I love you more than I love myself. Then it got to a point where I try to unlove you so I can love myself. But I guess I am doing it all wrong. Now, let me try to love you and love myself at the same time. Hence, this box.

This is my box. For you. I am making it as tiny as possible so it could take the littlest place it could in the farthest corners of my heart. But I’m keeping it. It’s there.

You’re there. And I can’t scratch you off.

So, welcome to my little box. Please enjoy your stay.

Ako Pa Rin Ba Ang Talo?

Ako pa rin ba ang talo?

Bumalik ako ng Pilipinas para daluhan ang kasal ng aking pinakamatalik na kaibigan. Dapat ay alas-tres ng hapon ang aking dating pero nagkaroon ng kaunting aberya sa aming pag-alis kaya’t maga-alas-sais na kami nakalapag sa NAIA. Dali-dali akong naglakad palabas ng eroplano. Hindi ako mapakali habang nakapila sa immigration. Mabuti na lang at wala na akong bagahe at hindi ko na kailangan pang maghintay.

Napakaraming tao sa arrival area. Maingay. Magulo. Kaliwa’t kanan ang mga pamilyang mahigpit na nagyayakap dahil sa muling pagbabalik ng isa sa kanilang mga miyembro. Iginala ko ang aking mga mata para hanapin ang aking kaibigan. Pero tatlong oras akong huli sa aming usapan. Naisip kong bumili na lang ng local SIM card para matawagan siya. Patungo na ako sa isang maliit na booth nang marinig ko na may tumawag sa aking pangalan.

“Franz!”

Lumingon ako para hanapin ang may-ari ng pamilyar na boses na iyon. Isang beses ko pang narinig ang aking pangalan bago ko tuluyang masilayan ang lalaking may hawak ng isang puting papel kung saan nakasulat ang buong pangalan ko katabi ng mga salitang “WELCOME BACK!”. Napako ako sa aking kinatatayuan habang siya naman ay papalapit sa akin na may malapad na ngiti sa mga labi.

“Hello!” ang sabi niya bago ako yakapin ng mahigpit.

Hindi ko alam ang gagawin. Yayakapin ko rin ba siya? Pero bakit? Hindi naman siya ang dahilan kung bakit ako bumalik. Ni hindi ko nga naisip na makikita ko siya ulit. Tumagal ng ilang segundong ang yakap na iyon na hindi ko sinuklian. Isang pilit na ngiti ang aking ibinigay sa kanya nang ilayo niya ang katawan sa akin.

“Where’s Julia? I thought siya ang susundo sa akin.” Iginagala ko ang aking mga mata habang sinasabi ang mga salitang iyon dahil hindi ko magawang tingnan siya sa mga mata. Hindi ko yata kayang muling titigan ang kanyang mukha. Natatakot ako.

“She was here earlier, too! Kaso she had a wedding errand at 5:30 kaya I volunteered na sunduin ka.” Hinawakan niya ang aking balikat. Hindi na ako nakaiwas. Parang awtomatikong tumingin ang aking mga mata sa kanyang mukha.

“I’m really happy to see you again.” ang kanyang sabi.

Pasimple kong inilayo ang aking balikat mula sa kanyang kamay at naglakad ng ilang hakbang. Sumunod naman siya agad at alam kong napansin niya ang hindi ko pag-responde sa kanyang mga sinasabi base na rin sa saglit niyang pagsimangot. Mabilis kong inilayo muli ang tingin sa kanya at muling iginala ang mga mata.

“Are you looking for…” ang hindi niya natapos na itanong.

“Hey!” ang sigaw ko sa isang lalaking kakalabas lang mula sa arrival hall. Malapad ang ngiti  niya habang lumalapit sa akin. Bitbit ang passport sa kanang kamay at hila ang maleta sa kaliwa, tumigil siya sa pagitan ko at ng aming sundo na hindi niya napansin.

“Immigration alright?” ang tanong ko sa kanya.

“Took longer than expected. But yeah. You saw Julia yet? I’m starving.”

Doon ako kinabahan. Hindi ko inasahang mangyayari ang aking gagawing pagpapakilala sa kanila. Muli kong tiningnan ang aming sundo at nakita kong wala siyang ideya kung sino ang kasama ko.

“Julia’s on a wedding errand. So we have Ted here. He… Uhm. He was a friend.” Nakita kong kumunot ang noo ng aking kasama dahil sa aking huling pangungusap. Pero mabilis din itong napalitan ng pagkamangha. “Oh! Ted, of course!”

“Ted, this is Arthur. He’s my… Partner.” ang sabi ko kay Ted.

Unang naglahad ng kamay si Arthur na agad naman sinalubong ni Ted. Nakangiti ang dalawa sa isa’t isa. Pero nakita ko ang lalim ng tingin ni Ted kay Arthur na para bang hindi niya ito pinagkakatiwalaan.

“Shall we?” ang yaya ni Ted.

Naunang maglakad si Ted habang kami ni Arthur ay tahimik lang na sumusunod sa kanya. Magkadikit ang aming mga braso at panay ang bulong sa akin ni Arthur. “So he’s Ted. You didn’t tell me he’s really good looking.”

“Stop it.” ang bulong ko.

Tumigil lang sa pang-aasar si Arthur nang umabot kami sa sasakyan ni Ted. Pinagbuksan niya ako ng pinto bago siya sumakay. Nakatanggap naman ako ng nanunuksong ngiti mula kay Arthur. Simula kasi nang makilala ko si Arthur ay wala akong tinago sa kanya. Lahat ng dapat niyang malaman tungkol sa akin ay ikinuwento ko at ganoon din naman siya sa akin.

Kaya’t alam niyang si Ted ang laman ng puso ko sa pinakamahabang panahon. Minahal ko siya nang higit pa sa pitong taon. Pero ako lang ang nagmahal. Nalaman lang niya iyon sa ikaanim na taon. Inasahan kong magagalit siya Inasahan kong sasapakin niya ako. Pero inasahan ko rin naman na tatanggapin niya ako, ang aking sekswalidad at ang aking nararamdaman sa kanya. Wala kahit isa sa mga inasahan ko ang nangyari. Wala akong nakuhang kahit ano mula kay Ted matapos kong bulatlatin ang puso ko sa harapan niya. Mas tatanggapin ko pa ang pinakamasakit na sapak kaysa sa makatanggap ng wala.

Matagal kong ininda ang pagkahungkag. Parang nabalewala ang mga taong minahal ko si Ted. Hindi ko naman hininging suklian niya iyon dahil alam kong hindi ang tulad ko ang gusto niya. Pinili kong masaktan dahil sa pagmamahal ko sa kanya. Pero hindi ko kayang masaktan dahil hindi niya maintindihan ang pagmamahal ko sa kanya. Kaya’t lumayo ako. Umalis ako sa aking trabaho sa Pilipinas at nakipagsapalaran sa ibang bansa. Doon ko nakilala si Arthur habang naglalakad sa parke patungo sa paborito kong kapehan. Noong una ay hindi kami nagpapansinan. Pero matapos ang halos dalawang linggo, napansin niya na parehas kami lagi ng dinaraanan tuwing umaga kaya’t nakipagkwentuhan siya akin at doon na nagsimula ang lahat.

Tahimik lang si Ted habang nasa biyahe kami papunta sa hotel. Nakatingin lang ako sa labas habang si Arthur naman ay abala sa kanyang phone. Naburyo na ako sa panonood sa lansangan dahil halos hindi naman kami umaandar sa sobrang traffic. Marahil ay ganoon din si Ted kaya’t nagsimula siyang magtanong. Base sa kanyang mga tanong tungkol sa amin ni Arthur, alam kong nagiging magalang lang siya sa bisita. Nababasa ko sa kanyang mukha na hindi naman talaga siya interesado. Si Arthur naman ay halos hindi na makahinga sa pag-uunahan ng mga salita sa paglabas mula sa kanyang bibig. Hinayaan ko ang aking sariling tingnan si Ted habang nagmamaneho. Nahuli niya ako at ngumiti siya tulad noong magkaibigan pa kami.

Matapos ang mahigit isang oras ay nakarating na rin kami sa aming hotel. Nagpasalamat ako at si Arthur bago bumaba. Alam kong makikita ko siya ulit sa kasal ni Julia pero hindi na ako mababahala. Nakumpirma ko na sa aking sarili na wala na akong nararamdaman sa kanya. Marahil ang kaba na aking naramdaman kanina ay sanhi lang ng pagkabigla. Nagulat ako nang bumaba si Ted sa sasakyan at lumapit sa akin. Kinuha ni Arthur ang aking maleta at bumulong na siya na ang mag-aasikaso ng aming room bago ako bigyan ng masuyong halik sa pisngi na pinanood lang ni Ted.

Naiilang ako sa kanyang presensya dahil sa tagal na rin nang huli naming pagkikita. Iniabot niya sa valet service ang susi ng kanyang sasakyan bago ako hawakan sa braso at iginiya papasok sa loob ng hotel lobby. Umupo kami sa isang upuan. Nakikita ko mula sa aking kinauupuan si Arthur. Lumingon siya sa akin, tumango at ngumiti. Naiintindihan ni Arthur kung ano ang nangyayari. Mabuti pa siya.

“What’s up?” ang tanong ko kay Ted.

“He was my friend? Really?” ang inis na tanong niya.

“Yeah. You were my friend.”

Hindi siya sumagot at nakita ko ang pagpipigil niya ng emosyon. Inilagay niya ang mga siko sa magkabilang hita at pinagdaop ang mga palad.

“I called you, you know. Hindi ko na matandaan kung ilang beses kitang tinawagan. Nalaman ko na lang kay Julia na nakaalis ka na pala ng bansa. Hindi ka man lang nagsabi sa akin.”

“Okay…”

“Alam ko kung ano ang nagawa… Sorry, uhm… Alam ko kung ano ang hindi ko nagawa, Franz. Alam mo namang hindi ko kayang suklian…”

“I never asked you to.”

“I know. Pero you don’t have to do what you’ve done. Medyo overdramatic naman yata na you ended our friendship over your stupid feelings…”

Muli kong sinulyapan si Arthur sa counter sa kabilang dulo ng lobby. Huminga ako ng malalim bago muling tumingin kay Ted. Siya pa rin ang Ted na minahal ko. Pero hindi na ako ang Franz na kaibigan niya.

“Keeping the friendship would still be for your sake. Pero hindi mo naman ako kailangan, Ted. I can’t forever be your doormat na makikita mo lang kapag naputikan ka. I needed to regain my self-worth. Even if that means losing you.”

Nanaig ang katahimikan. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya habang siya naman ay hindi mapakali. Malikot ang mga mata. Maya’t maya ang sulyap niya sa akin pero wala siyang sinasabi. Nang muli kong silipin ang check-in counter, wala na roon si Arthur.

“Is there anything else, Ted?”

“I insisted on picking you up today. Pero ayaw ni Julia. Pero mukhang wala na rin siya mahingan ng favor after ma-delay ng flight mo. I need to see you. I’ve wanted to since the day na nalaman ko na umalis ka. I wanted to say sorry… I wanted to make it up to you…”

Sinusubukan kong hanapin ang damdamin ko para kay Ted. Pero hindi ko matagpuan ang dating tanging sanhi kung bakit ako humihinga. Wala na akong iba pang gustong sabihin sa kanya. Halos hindi ko na rin naintindihan ang mga salitang kanyang binitawan. Gusto ko nang lumayo at maglakad patungo kay Arthur, sa taong mahal ako at minamahal ko nang higit pa sa ibinuhos ko kay Ted.

“I wanted to, Franz… Pero mukhang wala na rin naman akong mapapala. Masaya ka na. May Arthur ka na. At wala ka na rin namang pakialam sa akin kahit bilang kaibigan.”

Tumayo na si Ted at walang paalam na naglakad palayo. Pinanood ko siya hanggang sa makalabas siya ng hotel. Sumandal ako sa pagkakaupo at huminga ng malalim. Inabutan ako ni Arthur na nakaupo roon limang minuto ang nakalipas.

“Everything okay?” ang tanong niya.

“All is fine. How’s our room?” ang sabi ko bago hablutin ang kanyang kamay.

“Second most perfect after you.”

“Awww.”

“I’m starving. Do you mind grabbing something to eat before going up?”

“Nope. Let’s go. Oooh, I know a place down the street from before! You’ll surely love it!” ang masaya kong pakikipagkwentuhan kay Arthur habang magkahawak-kamay kaming naglalakad palabas ng hotel.

Tumigil kami saglit sa may kanto habang hinihintay na magpalit ng ilaw ang stoplight para kami ay makatawid. Matapos lang ang ilang segundo ay hinila na nila Arthur ang aking kamay at nagsimula na naming bagtasin ang daan. Nagawi sa kaliwa ang aking tingin para siguraduhing walang sasakyan ang umaandar nang mukha ni Ted ang makita ko sa loob ng sasakyang aking tiningnan.

Patuloy lang ako sa paglalakad. Lalo kong hinigpitan ang hawak sa kamay ni Arthur. Isang makipot na ngiti ang ibinigay ko kay Ted bago tumingin sa aking harapan at ipagpatuloy ang pagtawid. Hindi ko na nakita kung ngumiti rin ba siya sa akin. Sinulyapan ko si Arthur na namamangha sa kanyang paligid.

Masaya ako.

Malaya.

Ako pa rin ba ang talo?

Gravity

I thought I’d be okay after finally confessing to him. After finally letting him know what I’m feeling for six long years. I thought I’d be able to let go once he knew. Once I faced the fact that it’s impossible. We’re impossible.

But why am I still feeling this way? It seems like the fire has been lit again. And it’s burning even brighter now. Though the brightness it brings doesn’t help in lighting up a path. Though the burn is still cold. Even colder than before…

I want to let go. I want him to let go of me. I need to hear the words. I’m not okay with him being cool about it. I’m not fine with him acting as if I’ve said nothing. My confession should’ve made an impact. My words should’ve at least caught him off guard.

Maybe the reason I’m sad today is because I can’t accept the fact that I did not make any remark in his life. Even as a friend.

I’m sad. I’m miserable. I’m in love.

What am I doing? What am I not doing?

Scent of the Past

Hello! Hope everyone’s doing well 🙂 Pagpasensyahan niyo na ang spacing sa story, ang weird ng settings ng WordPress.

It’s been a while! Short story muna habang in the making pa ang next series.

Let me know what you think and comment below! Enjoy reading!!

——-

Malapad ang kanyang ngiti nang masaya siyang batiin ng mga barista sa isang kapehan na laging pinupuntahan. Malugod niyang binati ang mga ito bago ibaling ang atensyon sa pinakapaborito niyang pwesto – sa gilid ng bar kung saan tanaw niya sa labas ang parke. Napasimangot siya nang mapansing may nakaupo roon. Lumapit na lang muna siya sa counter para bumili ng maiinom.
“Hi Ethan!” ang bati ni Adela, isa sa mga pinakapaborito niyang gumagawa ng kanyang order.
“Hello. May tao…” ang bungad niya.
“Oo nga eh. Paalisin ko na?” ang bulong niya.
Mabuti na lang at walang pila kaya’t hindi siya nagmadali sa pagbigay ng kanyang order. Sa totoo lang, hindi na niya talaga kailangan pang sabihin ang bibilhin dahil hindi naman siya nagbabago ng inumin. Halos isang minuto na yata siyang nakikipagkuwentuhan doon. Maging ang isang barista sa kabilang dulo ng bar ay sumali na rin sa kanilang tawanan. Tumigil lang sila nang may pumasok at lumapit sa bar.
“Usual hot or cold?” ang tanong ni Adela.
“Usual cold, please.”
“Got it.” Kumuha siya ng isang plastic cup sa gilid at isinulat doon ang kanyang pangalan at order code. Kasabay naman noon ay ang pagkuha ni Ethan sa kanyang wallet mula sa kanyang laptop bag. Mabilis na nahagip ng kanyang paningin ang pagtayo ng isang babae mula sa kanyang laging pwesto. Mabilis siyang naglakad papunta roon at iniwan ang bag kahit na naroon pa ang iniwanang kape ng customer. Hawak ang wallet, bumalik siya sa counter para magbayad.
“Here na, Ethan.” ang sabi ni Kimmy na kanina ay nakatayo lang sa kabilang dulo ng bar.
“Wow, ang bilis. Thanks!” ang sabi ni Ethan.
Matapos ang transaksyon ay tahimik siyang umupo sa ngayo’y malinis na mesa at inilabas ang kanyang laptop. Kahit na Linggo nang araw na iyon, kailangan niyang maglaan ng kahit isang oras para sa trabaho para hindi siya matambakan sa darating na limang araw.
Si Ethan ay isang accountant sa isang malaking bangko sa bansa. Mahigit pitong taon na siyang nagtatrabaho at naging mabilis ang naging promotion niya. Ngayon ay siya na ang head accountant para sa isang department ng kumpanya. Marami ang nagsasabi na hilaw pa siya para sa ganoon kalaking responsibilidad pero naipakita naman niya ang kanyang kakayahan kaya’t kusa ring namatay ang mga bulungan.
“Seryosong seryoso naman tayo d’yan. Konting smile naman.” ang bati sa kanya ng isa pang barista na nagdala sa kanya ng isang mug ng tubig at isang slice ng cake.
“Uy, Dexter! Wow, may cake pa.” ang bati niya rito.
“Birthday ko, boss! Treat ko ‘yan sa kanila.” ang sabi nito bago umupo sa bakanteng upuan sa kanyang harapan.
Bahagyang ibinaba ni Ethan ang monitor ng kanyang laptop bago ibaling ang atensyon sa pinakaunang barista na naging kaibigan niya sa kapehang iyon. Masaya niyang binati ito ng “Happy birthday!” bago tikman ang cake na ibinigay nito.
“Naambunan pa ako ng treat mo, thanks! Bakit, nagtatrabaho ka? Dapat nag-eenjoy ka ngayon ah.” ang sabi ni Ethan.
“Half day lang ako ngayon. Kanina pa akong alas-otso rito. May lunch ako kasama sina Mama. Buti naabutan pa kita. Seryoso mo d’yan ah.”
“May tinatapos lang akong trabaho. Medyo daming ginagawa kasi quarter end ngayon. Naka-break ka lang ba?”
“Kinse. Sige, baka naiistorbo kita.” ang sabi nito bago tumayo.
“Hindi, ano ka ba.” ang sabi nito.
Tinawag si Dexter ng kanyang manager. Nginitian ko ang maliit na babae na nakatayo sa may pinto sa kabilang bahagi ng kapehan bago muling tumingin kay Dexter. Masaya ang mukha nito.
“Wala si Phil ngayon?”
“Nand’yan. Maya-maya konti ‘yun pupunta rito.”
“Pasabi na lang ‘Hi’ kung hindi ko siya maabutan.”
“Oo naman.” Nagpaalam na si Dexter at muling bumalik si Ethan sa ginagawa. Nangalahati agad ang cake na ibinigay nito sa kanya. Isa sa mga rason kung bakit lagi niyang binibisita ang lugar na ito ay dahil sa mga baristang katulad ni Dexter. Hindi siya tinatrato nito bilang isang customer, kung hindi bilang isang kaibigan. Nakagawian na ito ng halos lahat ng mga katrabaho niya kaya naman sobrang bait din ni Ethan sa kanila. Sa loob ng ilang taong pamamalagi sa lugar na iyon, naranasan niya ang pag-alis at pagdating ng mga bagong tao na gumagawa ng kanyang kape. Pero sa pagitan ng mga iyon ay ang mga taong kanyang nakikilala at ang mga istoryang baon ng mga ito.
May isang malaking pamilya na pumasok sa loob ng kapehan. Natabunan ng ingay ng mga ito ang jazz music na pumapailanlang sa buong lugar. Agad na hinagilap ni Ethan ang kanyang headphones at ipinasak ito sa kanyang tainga para hindi mawala ang focus sa trabaho.
Hindi na namalayan ni Ethan ang mga lumipas na oras. Ubos na ang cake na ibinigay ni Dexter at maging ang kanyang inumin. Natigil lang siya nang mapansing may umupo sa bakanteng upuan sa kanyang harap. Inasahan niyang isa sa mga baristang naka-break ang umupo roon para makipagkwentuhan sa kanya pero mukha nang isang pamilyar na lalaki ang kanyang nasilayan.
“Hi, E.” ang bati nito sa kanya.
Ngumiti ito. Isang pangalan lang ang nagrehistro sa utak ni Ethan. Pero ayaw niyang maniwala. Mabilis na gumala ang mga mata niya sa buong mukha nito. Nang makita niya ang dimples sa magkabilang dulo ng mga labi nito ay saka lang niya tinanggap na ang tanging pangalang sumisigaw ngayon sa kanyang isipan ay siya ngang nakaupo sa kanyang harapan.
“Andre.” ang sabi ni Ethan habang palakas ng palakas ang kabog ng kanyang dibdib.
“Miss me?” ang tanong nito bago kumindat.
“Uhh…” Tinakasan si Ethan ng mga salita. Panay ang kurap niya na para bang gusto niyang maglaho ito bigla sa kanyang kinauupuan. Naramdaman ni Ethan ang panginginig ng kanyang mga kamay kaya’t pinagdaop niya ito at itinago sa ilalim ng mesa. Iginala niya ang mga mata sa loob ng kapehan pagkatapos ay sa labas na para bang humihingi ng saklolo.
“Come on, E. How long has it been? Five years?”
“Seven.” ang tahimik niyang sagot.
“Seven? Ang tagal na pala talaga! How are you? I haven’t seen you in college dinners. I always go pero I never saw you there. Guess you’re busy making yourself rich.”
“Yeah, busy with… Things.” ang maikling sagot niya.
Muli niyang iginala ang mga mata maliban para hindi mapako ang tingin sa kanyang harapan. Sa ilang segundong natitigan niya ang mukha nito nang umupo ito roon, napansin niyang halos hindi nagbago ang itsura nito. Parang hindi man lang tumanda. Malakas din sa pang-amoy niya ang gamit nitong pabango at naalala niyang iyon din ang gamit niya pitong taon na ang nakakalipas.
“Can I buy you another cup?” ang tanong nito sa kanya.
“Ethan!!” ang pagtawag ni Dexter sa kanyang pangalan mula sa pinto kung saan nakatayo kanina ang manager ng kapehan.
Agad na tumayo si Ethan matapos magpasintabi kay Andre at lumapit kay Dexter. Nakangiti siya rito hanggang paliit ng paliit ang distansya nila sa isa’t isa. Mas matangkad sa kanya si Dexter. Mukhang alaga sa gym ang katawan nito. Parang gustong kumawala ng malalaki nitong braso sa suot na polo shirt. Nakapagpalit na ito ng damit at handa na para umalis. Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat.
“Thank God!” ang bulong niya rito bago simulang tapikin ang matigas nitong balikat.
“Bakit? Okay ka lang? Parang namumutla ka. Sino iyon?” ang sunud-sunod niyang mga tanong habang pasimpleng sumilip sa pwesto ni Ethan.
“Wala. Kailangan ko lang huminga ng ilang segundo. Ready to go ka na?” ang sabi ni Ethan bago umatras ng isang hakbang.
“Oo. Malapit na rin daw sina Mama. Mamaya pala may inuman sa bahay, punta ka. I-text ko sa’yo ‘yung address.”
“Hindi ko alam kung pwede ako mamaya. Maaga kami ni Phil bukas.”
“Ah. Wala pa rin siya? Tagal ko nang hindi nakikita iyon.”
“Wala pa eh. Sabihan ko na lang siya na hinahanap mo siya. Sige na, baka hinihintay ka na nila. I just needed a few moments. Thank you.”
“Sigurado kang okay ka lang ha. Text mo lang ako kapag… Uhm, basta sabihan mo ako. Bye!” ang sabi ni Dexter.
“Happy birthday!”
Bumalik si Ethan sa kinauupuan at muling inangat ang monitor. Sinubukan niyang ibalik ang focus sa ginagawa pero naiilang siya sa nakakapasong mga tingin ni Andre. Lumapit si Adela sa kanila para abutan ng dalawang drinks. Tiningnan niya ito at nakita niya ang malaking tanong sa mga mata nito sa kung sino ang lalaking kasama ko. Pasimple akong umiling bago siya ngumiti na para bang kinikilig.
“So, that’s your boyfriend?” ang tanong ni Andre.
Nang iangat ni Ethan ang tingin kay Andre, nakita niyang hindi ito nakatingin sa kanya. Mukhang may sinusundan ito ng tingin kaya’t ibinaling ni Ethan ang atensyon sa kanyang likuran. Nakita niya si Dexter na naglalakad habang nakatingin sa cellphone at abalang nagte-text.
“Dexter?! No. He’s way too young for me.”
Hindi maintindihan ni Ethan ang biglang pagkainis na naramdaman. Gusto niyang ipaliwanag dito ang pagkakaibigan nila ni Dexter pero agad din niyang kinontra ang sarili. Wala siyang obligasyon na magpaliwanag ng kahit ano kay Andre kaya’t nanahimik na lang siya.
“Okay…” ang sabi ni Andre pero ramdam ni Ethan na hindi ito naniwala sa kanyang sinabi.
“Why are you here, anyways?” ang tanong niya matapos ibagsak ang monitor ng laptop na mas malakas kaysa sa kanyang inaasahan.
“I was just passing by. Tapos nakita kita. Nothing wrong with catching up with an old friend, is there?” ang sabi ni Andre.
Muling bumilis ang tibok ng kanyang puso. Naramdaman niya ang galit na muling namumuo sa kanyang kabuuan. Nanumbalik ang nakaraan. Muli niyang nakita ang mukha ni Andre pitong taon na ang nakakalipas at muli niyang naramdaman ang sakit na idinulot sa kanya ng ginawa nito. Lumabo ang kanyang paningin dahil sa luhang nagbabadyang bumagsak. Mabilis niyang itinago ito mula kay Andre dahil ayaw niyang makita nito na mahina siya. Ayaw niyang makita nito na naaapektuhan pa rin siya sa mga nangyari.
“Papa!!!” ang sigaw ng isang bata mula sa pintuan.
Sabay na napalingon sina Ethan at Andre. Mabilis na pinunasan ni Ethan ang kanyang mga pisngi at mata. Tumakbo ang bati palapit sa kanilang mesa na may malaking ngiti sa bibig. Nakasukbit sa likod nito ang isang maliit na bag na may design ng kanyang paboritong superhero. Parehas na tumayo sina Ethan at Andre sa kinauupuan para salubungin ito.
Napako naman sa pintuan ang isang babaeng naka-maong jeans at pink na polo shirt nang makita sina Ethan at Andre na magkasama. Maikli ang buhok nito at nakatago sa likod ng tainga ang mahahabang bangs para hindi bumagsak sa kanyang mukha. Bahagyang nakanganga ito sa gulat nang makita ang dalawang lalaki sa isang mesa.
Lumuhod si Ethan para salubungin ang bata. Si Andre naman ay napaatras dahil sa nakita. Mahigpit ang yakap ng bata kay Ethan bago ito kumalas at kuhanin ang bag mula sa likod. Binuksan niya iyon para ibigay kay Ethan ang tanging laman nito.
“Papa, look. I made this for you.” ang sabi ng bata bago iabot sa kanya ang isang piraso ng papel na may drawing ng isang lalaki na sa wari niya ay siya.
“Wow! Thank you, baby boy. Is this Papa?” ang sabi ni Ethan dito.
Parang biglang nawala ang lahat sa kanyang paligid nang dumating ang batang iyon sa kapehan. Nawala sa isip niya ang trabaho. Bumalik sa normal ang tibok ng kanyang puso. Biglang naglaho si Andre sa kanya.
“Hi.” ang sabi ng babaeng kanina ay nakatayo sa may pinto.
“Maddie, basa ng pawis ‘tong anak mo. May extra shirt ka bang dala? Or towel?” ang bungad ni Ethan dito.
Hindi napansin ni Ethan ang pagiging tahimik at walang reaksyon ni Maddie dahil abala ito sa anak. Binuhat niya ito sa upuan at doon ipinagpatuloy ang pangungulit. Nangibabaw naman ang halakhhak ng bata sa buong kapehan. Tumigil lang si Ethan nang hawakan siya ni Maddie sa braso. Doon lang niya napansin ang mukha nito pati na ang pagkagulat ni Andre na tila napako sa kanyang kinatatayuan.
“Oh. Sorry… Maddie, that’s Andre. Andre, Maddie.” ang pagpapakilala ni Ethan sa dalawa.
Nakipagkamay si Andre kay Maddie. Halata ang pagdadalawang-isip ng huli pero ayaw naman niyang maging bastos kaya’t tinanggap niya ang palad nito. Pilit siyang ngumiti kahit na gusto na niyang tumakbo palayo.
“Is he your son?” ang tanong ni Andre.
Hindi alam ni Maddie kung para sa kanya ba o kay Ethan ang tanong na iyon. Tiningnan niya na lang si Ethan para ito ang sumagot. Nakayakap sa leeg nito ang bata habang nakatingin kay Andre na walang emosyong ipinapakita, na para bang walang bata sa kanilang pagitan.
“Yes. He’s our son.” ang sagot ni Ethan.
“Okay…” ang sabi ni Andre na may kaparehas na tono sa sinabi nito kanina nang marinig ang sagot ni Ethan patungkol sa relasyon nila ni Dexter.
“You see that big guy, hmm? Go, introduce yourself. Say your name. Then say how old are you. Go, baby.” ang bulong ni Ethan sa kanyang anak bago ito halikan sa pisngi.
Hindi makapaniwala si Andre sa nakikita. Si Ethan ay may anak? Ni wala sa hinagap niya na magiging katotohanan iyon. Pamilyar sa kanya ang kakaibang kislap sa mga mata ni Ethan sa tuwing titingnan ang batang nakatungtong sa upuan. Dati’y siya ang dahilan ng mga kislap na iyon. Kita niya kasiyahan nito pero para siyang ilang ulit na sinusuntok palayo dahil ramdam niyang hindi siya kabilang roon.
Malalaki ang mga mata ng batang nakatingin sa kanya. Bahagya itong nakayuko dahil nahihiya ito pero panay ang pag-udyok ni Ethan dito. Tiningnan ni Andre ang bata pero mula sa likod nito ay naroon ang mga mata ni Ethan na nakatitig sa kanya.
“Hello! I’m Philip and I’m five years old!” ang pagpapakilala ng bata bago iangat ang kamay para ipakita ang kanyang edad.
“Hi, Philip! I’m…”
“Phil. We call him Phil.” ang pagsabat ni Maddie.
Matalim ang mga tingin ni Maddie kay Ethan at naramdaman ng huli na mag-uusap sila ng seryoso matapos ang tagpong iyon. Lumapit siya roon at bahagyang tinabig ang braso para sabihing walang problema. Nagpakilala si Andre sa bata bago magpaalam kina Ethan at Maddie na mauuna na dahil may lakad pa ito.
Pinalitan lang ni Maddie ng damit si Phil bago sila lumabas ng kapehan para mananghalian. Tahimik ito habang naglalakad sila papunta sa restaurant kung saan ay may reservation sila. Bitbit ni Ethan ang bata habang dala naman ni Maddie ang laptop bag nito. Abala si Phil sa paghawak sa tainga ng ama.
“Say what you wanna say.” ang sabi ni Ethan nang makaupo sila sa pinareserbang pwesto sa restaurant.
“Not in front of Phil.” ang bulong ni Maddie.
“It’s fine. Just don’t curse.” ang sabi ni Ethan habang binubuksan ang laptop para may pagkaabalahan si Phil. Binuksan niya ang paborito nitong laro at gumawa ito ng mga ingay na ikinangiti nilang dalawa dahil kita nila ang labis na kasiyahan sa anak.
“Why is he with you?” ang unang tanong ni Maddie.
“I don’t know. I was there to finish my report tapos bigla na lang siyang…”
“You were there para magkita kayo.” ang hinala ni Maddie.
“No! Come on, Maddie. Ginagawa ko ang report ko tapos umupo siya doon. Hindi ko alam kung saan siya nanggaling. Hindi ko alam kung bakit siya nandoon.”
Bahagyang kumalma ang galit na mukha ni Maddie. Sumandal siya sa upuan at huminga ng malalim. Nakatingin sila sa isa’t isa habang inilalagay ng waiter ang kanilang mga inumin at ang appetizer na in-order.
“Okay, sorry. Nagulat lang ako na…”
“I’m just as surprised as you are. Believe me. Hindi ko naman siya gustong makita ulit matapos nang nangyari dati.”
“E ngayong nakita mo siya ulit, wala bang nagbago?”
Hindi agad sumagot si Ethan. Pinanood niya ang anak na tuwang-tuwa sa ginagawa. Hinaplos niya ang makapal nitong buhok.
“Meron.” ang tangi niyang sinabi.
Walang ibang isinagot si Maddie kung hindi ang isang malalim na hinga. Hindi naman niya inaasahang iba ang isasagot ni Ethan. Namuo ang luha sa mga mata nito pero bago pa ito pumatak, muling nagsalita si Ethan.
“Bumalik lahat ng galit na nararamdaman ko. And I don’t like it. Masaya na ako. Kasama ka at si Phil. Ayokong balikan ang mga hinanakit ko sa buhay dahil sa kanya. Nagawa kong kalimutan iyon ng ilang taon.”
Hinawakan ni Maddie ang kamay ni Ethan na nagpipigil din ng iyak. Muli niyang hinaplos ang ulo ng anak habang pinipisil ang kamay ni Maddie. Hindi napigilan ni Maddie ang tuluyang pagbagsak ng mga luha.
“I’m here, Ethan. Phil and I are here. Hindi mo kailangang bumalik doon.” ang mga sinabi nito.

Dalawang araw ang lumipas. Abala si Ethan sa presentation para sa talakayin ang nagdaang tatlong buwan. Laking pasalamat niya sa bigat ng trabaho dahil nawalan siya ng oras para mag-isip ng ibang bagay. Matapos gumugol ng halos labindalawang oras sa trabaho, pagod pero masaya siyang umuuwi sa tinitirhang condo unit kasama sina Maddie at Phil.
Madalas siyang hintayin ng mag-ina para sabay-sabay silang maghapunan. Matapos iyon ay manonood sila ng telebisyon ng isa hanggang dalawang oras para pababain ang kinain ni Phil bago ito patulugin. Salitan sila sa pagpapaligo rito pati na rin sa pagbabasa ng mga istorya hanggang sa makatulog ito.
Nang gabing iyon, dahil sa sobrang pagod sa trabaho ay halos sabay silang nakatulog ni Phil. Nagising na lang si Ethan dahil sinasakyan siya ng anak at malakas ang hagikhik nito. Naalimpungatan siya sa malalaking mata ni Phil na nakatitig sa kanya.
“Morning, Papa!!” ang sigaw nito bago humalik sa ilong.
“Philip, sorry nakatulog na si Papa sa kama mo.” ang sabi ni Ethan habang bumabangon.
Wala pa siya sa huwisyo at marahang naglalakad nang lumambitin ang anak sa hita nito. Pumailanlang sa buong unit ang tawa nito habang umaarteng robot si Ethan. Mula sa pagyakap nito sa kanyang hita ay binuhat niya ito papunta sa kusina.
“Ikaw talaga, ang aga-aga pa, ang kulit-kulit na.” ang patuloy na lambing ni Ethan sa anak.
Naabutan niyang naghahain si Maddie ng almusal. Iniupo niya si Ethan sa tabi ng kanyang upuan bago magtungo sa banyo para maghilamos. Nagnakaw na rin siya ng oras para tingnan ang cellphone. Maraming tawag siyang hindi nasagot at text messages na hindi nabasa na related sa trabaho. Malapit nang mag-alas otso pero hindi siya nagmadali. May higit isang oras pa naman siya para maghanda. Naglalakad lang naman siya papunta sa trabaho dahil ilang kilometro lang ang layo nito roon.
“Hindi na kita ginising kasi ang himbing na ng tulog mo. Nakakatuwa kayo tingnan ni Phil.” ang sabi ni Maddie nang bumalik siya sa kusina.
“Okay lang. Buti nakabawi rin ako sa pahinga.” ang sagot ni Ethan.
Nilagyan niya ng pagkain ang pinggan ng anak habang abala si Maddie sa pagtitimpla ng orange juice. Umupo ito sa katapat na upuan at siya namang tumulong sa anak na kumain. Hindi nag-oopisina si Maddie para mabantayan ang anak pero mayroon itong online store para makatulong sa gastusin sa bahay. Wala namang reklamo si Ethan dahil malaki naman ang naiaambag ni Maddie para tustusan ang mga pangangailangan ni Phil.
“How are you these days? Parang ang tagal na kitang hindi nakakausap.” ang sabi ni Maddie.
“Very busy at work. Quarter-end. Pero by the end of this week, wala na masyadong pressure. Gusto mo lumabas tayo nina Phil sa Friday?” Bago pa makasagot si Maddie ay ibinaling ni Ethan ang atensyon sa anak at tinanong kung saan nito gustong pumunta sa darating na Biyernes. Nang isigaw nito ang pangalan ng tanging mall na alam ay sabay silang tumawa ni Maddie bago ito sumagot.
“Sige. Kailangan ko ring bilhan si Phil ng bagong damit para sa birthday ng anak ni Ate Annie.”
“Okay. Friday, after work. Maaga na lang ako aalis.”
Matapos mag-almusal ay naligo na si Ethan at naghanda para pumasok sa trabaho. Nang magpaalam siya sa anak ay bigla itong umiyak. Inabot pa ng halos sampung minuto bago nila ito napatahan. Mas binilisan na lang ni Ethan ang paglalakad para makarating sa opisina bago mag-alas nueve.
Tulad ng inaasahan, naging abala pa rin para sa mga pahuling pagbabago sa mga reports na ginawa. Naging tuluy-tuloy ang trabaho dahil sa magkakasunod na meetings at presentations na dinadaluhan. Halos alas-dos na ng hapon nang magkaroon siya ng oras na mananghalian.
Isang mansanas ang kanyang kinakain habang nakatayo sa likod ng kanyang desk at nakatanaw sa labas. Nasa ikadalawampung palapag siya ng gusali at kita mula sa glass wall ang abalang siyudad. Tatlong katok ang umistorbo sa katahimikan. Narinig niya ang mabibilis na hakbang ng pumasok sa kanyang opisina at naamoy ang pamilyar na pabango nito bago humarap.
“Ethan, updated reports from retail NCR-4.” ang sabi ng isa sa mga empleyadong nagre-report sa kanya.
“Thanks.”
“Nire-review ko pa ‘yung iba. Give me 15 minutes.” ang sabi nito.
“Okay. Uhm, Laurence. What’s your perfume?” ang tanong ni Ethan sa kanya.
Halata namang nagulat si Laurence sa tanong niya dahil hindi ito agad nakasagot. Inulit ni Ethan ang tanong at sumagot naman si Laurence ng brand ng ginagamit na pabango kahit na hindi niya alam kung bakit iyon tinanong ni Ethan.
“Don’t wear it. Too strong, nakakahilo.” ang sabi ni Ethan.
“Oh, okay. Sorry.” ang tanging sabi ni Laurence bago lumabas sa kanyang opisina.
Muling bumalik sa kanyang isipan ang muli nilang pagtatagpo ni Andre. Matapos ang lampas kalahating dekada na hindi pagkikita, iyon pa rin ang pabangong gamit niya. Muli siyang bumalik sa pagtanaw sa labas habang unti-unting nasakop ng alaala ni Andre ang kanyang isipan.
“I need a new scent.”
“Bakit? Ang arte mo naman. Kahit maligo ka pa ng pabango, mabaho ka pa rin.” ang bulong ni Ethan kay Andre habang naghahanap sila ng libro sa college library para sa napipintong case study kung saan sila ang magka-partner.
“Kapal mo! Kaya pala…” ang sabi ni Andre bago tabigin si Ethan sa braso.
“Aray!”
“Shhhh!” ang pagpapapansin ng librarian.
Ilang segundo silang tumahimik at naging abala sa paghahanap ng libro. Lima na ang dala ni Ethan kaya bumalik na ito sa kanilang mesa. Ilang saglit pa ay sumunod na si Andre na may dalang tatlo.
“Anong kaya pala?” ang bulong ni Ethan.
“Wala.” ang nakangiting sagot ni Andre habang kunyari ay abala sa pagbabasa sa unang librong binuklat.
“Dali na kasi.”
“Nakakatuwa ka kapag hindi mo nakukuha gusto mo. Itsura mo!” ang natatawang sabi ni Andre.
“Bahala ka nga. Ikaw gumawa ng intro sa report ah.” ang pananakot ni Ethan.
“Uy, wait. Hindi ko pa nga naiintindihan kung tungkol saan ‘to eh.” ang sabi ni Andre habang kumakamot sa ulo.
Ibinaba ni Ethan ang kanyang ulo at bahagyang inilapit iyon kay Ethan. May ilang mga estudyante ang dumaraan sa kabilang gilid pero hindi niya ito pinansin. Malamig ang buong aklatan at nakakabingi ang katahimikan.
“Nakakatuwa ka kapag may hindi ka alam. Itsura mo!” ang paggaya ni Ethan kay Andre bago agawin ang hawak nitong libro.
“Samahan mo akong bumili mamaya ng pabango ha.”
“Andre, sinabi ko naman sa’yo diba? Kahit anong gawin mo, mabaho ka pa rin.” ang patuloy na pang-aasar ni Ethan.
Si Andre naman ngayon ang nagbaba ng ulo at bahagyang lumapit kay Ethan. Ibinaba rin ng huli ang kanyang ulo na para bang nagtatago sila sa loob ng mga aklat na kinuha. Konting usog pa at magtatama na ang kanilang ilong. Medyo nailang si Ethan pero hindi na lang niya ipinakita kay Andre.
“Kaya pala ang higpit ng yakap mo sa akin ‘nung nag-sleepover tayo kina Patricia. Nakadikit pa ‘yang ilong mo sa kili-kili ko.”
Hindi tumawa si Andre kaya’t hindi alam ni Ethan kung ano ang magiging reaksyon. Parang biglang uminit ang kanyang pisngi kaya’t sigurado siyang namula siya dahil sa mga sinabi ni Andre. Hindi naman niya desisyon na yakapin si Andre noong magkatabi silang natulog kina Patricia. Malamang ay naparami ang kanilang inom at hindi na niya kontrolado ang naging mga kilos.
Nang mapansin ni Andre na namula si Ethan ay saka ito humagalpak ng tawa. Agad niyang pinatigil ito dahil lahat ng mga estudyante ay tumingin sa kanila. Ilang beses niya itong pinalo ng libro na lalong gumawa ng ingay.
“Out!!” ang pigil na sigaw ng librarian sa kanila.
Kinuha nito ang kanilang mga ID bago palayasin sa library. Paglabas nila sa gusali ay muling humagalpak sa tawa si Andre na lalong ikinainis ni Ethan. Iniwan niya ito roon at mabilis na naglakad palayo. Mabilis namang sumunod si Andre sa kanya at hindi na muling tumawa.
Matapos ang tatlong oras na klase, hinatak siya ni Andre sa mall kahit na naiinis pa rin siya rito. Kailangan pa kasi nilang mag-file ng request para muling makuha ang ID. Isang semester na lang at ga-graduate na sila, ayaw ni Ethan na madumihan pa ang pangalan niya dahil lang sa isang maliit na bagay.
Pagdating sa mall ay tatlong bote ng pabango ang kanyang kinuha at iniabot kay Andre. Gulat man, isa-isa itong inamoy ni Andre. Hindi ito makapagdesisyon kung ano sa tatlo ang pipiliin dahil mababango itong lahat. Wala siyang masabi sa taste ni Ethan dahil huli nito ang gusto niya.
“Anong gusto mo sa tatlo?” ang tanong ni Andre habang nagtitingin si Ethan ng mga damit.
“Bakit ako ang tinatanong mo? Hindi naman ako ang gagamit niyan.”
“Oo nga. E ikaw naman ang aamoy.”
Hindi maintindihan ni Ethan kung bakit biglang naging ganoon si Andre sa kanya. Parang pasimple nitong pinapahiwatig na may alam siya patungkol sa kanya. Tiningnan niya ito ng masama dahil hindi pa siya handa na pag-usapan ang bagay na iyon. Lalo na kay Andre.
“Umayos ka, Andre ah.”
“Ano nga kasi? Ang tino ng tanong ko eh.”
“The green one.” ang tanging sagot ni Ethan.
Saglit na nawala si Andre sa kanyang paningin. Ilang buntong hininga ang kanyang pinakawalan. Nagsisimula na siyang matakot dahil dalawang beses nang nagpahiwatig si Andre na alam nito ang sikretong kanyang tinatago. Ilang saglit pa ay bumalik na si Andre dala ang isang maliit na paper bag. Binili nito ang pabangong pinili niya.
“Okay lang sa akin.” ang biglang sabi ni Andre habang naglalakad sila papunta sa sakayan ng jeep.
“Ha?”
“Ethan, matagal ko nang alam. Hindi mo na kailangang itago pa sa akin kung ano ka talaga. Sa yakap mo pa lang doon kina Patricia, alam ko na eh.”
“Stop it!” ang sigaw ni Ethan.
Ayaw niyang pag-usapan ang kanyang sekswalidad. Hindi siya komportable na ipangalandakan kung ano siya. Nakumpirma niyang alam na nga ni Andre. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib at gusto niyang tumakbo pero hindi siya makagalaw.
“Uy, chill ka lang. I’m just saying. We don’t need to talk about this. Basta alam ko na. At kung gusto mo pag-usapan anytime, sabihan mo lang ako. I’m here. Okay?”
“Okay.”
Tatlong katok ang ngayo’y umistorbo sa kanyang pagbabalik-tanaw. Isang babae naman ang pumasok sa kanyang opisina at iniabot ang reports na ipinangako ni Laurence. Nagpasalamat siya rito bago muling harapin ang trabaho. Pilit niyang ibinaon si Andre gamit ang mga numero at salita na naghihintay sa kanyang harapan.

Hindi inasahan ni Ethan na marami pa rin ang kanyang kailangang tapusing trabaho nang dumating ang Biyernes. Ipinangako niya kay Maddie na kikitain niya ito ang kanilang anak ng alas-singko ng hapon pero alas-kwatro na ay nasa kalagitnaan pa siya ng isang trabaho na kailangang matapos agad at maipasa sa management board.
Habang nagda-download ng file ay tinawagan niya ito at sinabing mahuhuli ng kalahati hanggang isang oras dahil sa biglaang dating ng trabaho. Hindi naman nagreklamo si Maddie. Muli niyang binanggit ang pagbili nito ng bagong damit ni Phil.
“Sige, tatawag na lang ako pag papunta na ako. Bye.”
Hindi na tumayo sa kinauupuan si Ethan hanggang sa matapos niya ang kailangang gawin. Naipadala niya ang report sa mga nangangailangan nito ilang minuto makalipas ang alas-singko. Agad siyang nagpaalam sa mga kasamahan at sinabing tawagan na lang siya kung may emergency.
“Pero stay out of the office as early as you can. Enjoy the weekend!” ang paalam niya sa mga empleyado.
Puno ang lahat ng elevator na tumitigil sa kanyang palapag kaya’t inabot pa siya ng halos sampung minuto bago makalabas ng gusali. Nag-aagaw na ang araw at gabi. May dalang kakaibang lungkot ang langit dahil sa mala-kahel nitong kulay. Para bang nagdadalamhati ito sa tuluyang paglamon ng dilim sa liwanag.
“What the…” ang nasabi niya nang may biglang humatak sa kanyang braso saktong paglampas niya sa gusali. May ilang metrong pagitan ang pinagtatrabahuhan sa katabi nitong gusali na madalas ay puntahan ng mga empleyadong naninigarilyo. Isinandal siya ng humatak sa kanya sa marmol na pader.
“Andre, anong ginagawa mo?”
“I need to talk to you.”
“Hindi mo naman ako kailangang hatakin!” ang sigaw niya dahil sa sobrang kaba.
Kumalas siya sa mahigpit na hawak nito sa kanyang braso at matuling naglakad. Bigla siyang pinagpawisan kahit na mahangin sa siyudad dahil na rin sa maraming puno sa paligid. Humabol si Andre sa kanya at ilang hakbang siyang inunahan para salubungin ito at pigilan sa paglalakad. Napukaw ang atensyon ng ibang mga naglalakad dahil sa paghawak ni Andre sa dalawang braso nito.
“Can you be a little discreet?! Ano ba’ng kailangan mo?” ang mga tanong ni Ethan.
“I just… Please, kailangan kitang makausap.” ang sabi ni Andre.
“Okay, go ahead.” ang sabi ni Ethan habang nakatigil sila sa gitna ng daan.
“Not here.” Naglakad si Andre pabalik sa gusali na pinagtatrabahuhan ni Ethan at tumawid sa kabilang bahagi. Nilakad nila ang kahabaan ng daan na iyon hanggang sa marating nila ang isang hotel. Tumigil si Andre para hanapin kung nasaan si Ethan.
“Hindi ako papasok d’yan with you.” ang sabi ni Ethan.
“Why? We’ll just talk. I promise.” ang pangako ni Andre.
Nag-urong sulong si Ethan sa desisyon pero matapos ang ilang pakikipag-debate sa sarili ay pumasok siya sa lobby kung saan naghihintay si Andre. Napaisip din siya kung ano ang rason ni Andre sa biglang pagbalik nito sa buhay niya. Kahit na alam niya sa sariling wala na itong magagawa para sa kapatawaran, gusto niyang makita ang mga kaya nitong gawin.
Nakarating sila sa ikapitong palapag at pumasok sa corner suite ni Andre. Umupo siya sa sofa habang hindi naman mapakali si Andre at paikot-ikot ito na para bang may hinahanap. Kumuha ito ng isang baso at nilagyan niya ito ng white wine bago iabot kay Ethan.
“Thanks.”
“Sorry for coming at you like that. Medyo nakainom na kasi ako and… uhh… hindi ko alam kung paano ko makukuha ang atensyon mo.”
“What do you need?”
“You have a son?” ang pagdirekta ni Andre sa gumugulo sa kanyang isip simula nang makita niya si Phil noong Linggo.
Pinanood ni Ethan ang pagbabago ng reaksyon sa mukha ni Andre habang hinihintay nito ang kanyang sagot. Hindi niya maintindihan kung namimilipit ba ito sa sakit o ano. Basta pansin niyang hindi ito komportable.
“Yes. May anak na ako. Bakit?”
“Nagpakasal ka?” ang muling tanong ni Andre.
Muling naghintay si Ethan ng ilang segundo bago sumagot. Nakatayo si Andre sa kanyang harapan at ngayon ay nakaupo na ito sa sahig. Yumuko siya habang si Andre naman ay tumingala. Ipinatong ni Andre ang hawak na kopita sa kalapit na mesa bago yakapin ang mga binti ni Ethan.
Agad namang kumalas si Ethan at tumayo mula sa kinauupuan. Muli niyang natanaw ang pamilyar na siyudad pero sa ibang anggulo mula sa bintana ng kwarto ni Andre. Hawak pa rin niya ang kopita at isang lagok na inubos ang laman nito.
“Answer my question.” ang mahinang sabi ni Andre.
“Why do you wanna know?” ang tanong ni Ethan.
Nakatago sa bulsa ng kanyang pantalon ang kamay kung saan nakasuot ang singsing mula kay Maddie. Pinaglalaruan ito ng kanyang hinlalaki. Malamang ay nakita na iyon ni Andre noong Linggo pa lang.
“Just answer my question!!” ang sigaw ni Andre.
“You already saw my ring. Isipin mo kung ano ang gusto mong isipin.” ang sabi ni Ethan bago magsimulang maglakad papunta sa pinto.
“That’s not a yes.” ang sabi ni Andre.
“Not even a no.” ang tugon ni Ethan.
Pinihit niya ang door knob para tuluyan makawala kay Andre pero yumapos ang kanang braso nito sa kanyang katawan at mabilis siyang naikot nito para magtama ang kanilang mga mukha. Isinandal siya nito sa pader at inilapit ang mga labi sa kanya. Mabilis na umilag si Ethan at pilit na pinepwersang ilayo ang katawan ni Andre sa kanya.
“Don’t you dare kiss me!” ang sigaw niya nang tuluyang mailayo ang katawan kay Andre.
Lumapit siya kay Andre at buong lakas na itinulak ito sa dibdib. Nagulat si Andre sa ginawang iyon ni Ethan kaya’t nawalan siya ng balanse at napaupo sa sahig. Hindi siya agad tumayo dahil na rin sa pagkahilo.
“Iniwan mo ako, Andre! Nagsinungaling ka sa akin! Wala akong narinig na kahit ano mula sa’yo. Tapos ngayon kung kailan masaya na ako, bigla ka na lang babalik! Bakit? Hindi pa ba sapat na sinira mo ang buhay ko noon?”
“E…
“Huwag na huwag ka nang magpapakita sa akin, Andre.”
Ibinagsak niya ang pinto at tumakbo papunta sa elevator. Panay ang pindot niya sa button sa takot na humabol pa rin si Andre. Pero hindi na niya iyon ulit nasilayan. Hindi niya na pinigilan ang pag-iyak nang magsara ang pinto ng elevator para mailabas ang muling pagbigat ng kanyang nararamdaman.
Nakatungo siyang lumabas ng hotel para ikubli ang namumulang mata dahil sa pag-iyak. Madilim na pero nakakasilaw ang mga ilaw mula sa nagdaraang mga sasakyan at sa magkakatabing establisimyento na bukas. Muli niyang naramdaman ang hangin sa kanyang mukha kaya’t tumingala siya at hinayaang tuyuin ng malamig na hangin ang pamamasa ng kanyang mga mata.
“Bakit ka umiiyak?” ang tanong ng isang lalaki na biglang tumabi sa kanya sa paglalakad.
“Dexter…” ang pagbanggit niya sa pangalan nito.

Napansin ni Maddie ang pagiging tahimik ni Ethan habang naghahapunan. Pinili niyang huwag na muna itong tanungin at hintayin na lang na makauwi sila. Bitbit ni Ethan si Phil na tulog na sa kanyang balikat habang naglalakad sila pauwi. Nagkekwento siya kay Maddie tungkol kay Dexter na nakasalubong niya bago sila maghapunan at sinabayan siya sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa entrance ng mall.
“Mabait ang batang iyon. Nagtatrabaho siya para tulungan ang mga kapatid niya na makapag-aral.” ang sabi ni Ethan.
“Talaga? Nakatapos naman na siya ng pag-aaral?” ang tanong ni Maddie.
“Oo. Kaka-promote lang niya bilang supervisor kaya tuwang-tuwa siyang nagkekwento kanina.”
Mabilis na natatapos ang pag-uusap nila hanggang sa parehas silang mawalan na ng sasabihin. Nangibabaw ang katahimikan hanggang sa makarating sila sa unit at ihiniga ni Ethan si Phil sa kama nito. Nagtungo siya sa banyo para maligo habang si Maddie naman ay naging abala sa maingat na pagpapalit ng damit ng anak.
Nang matapos makaligo ay humiga na si Ethan sa kama at nanood ng TV habang si Maddie naman ang umokupa ng banyo. Matapos ang halos kalahating oras ay umupo na ito sa tabi niya at sinabayan siyang manood.
“Nagkita kami kanina.” ang bungad ni Ethan.
Kahit na walang itanong si Maddie, alam niya ang tumatakbo sa isip nito. Sa tagal nilang magkasama sa isang bubong, hindi mahirap na maging pamilyar sa mga aksyon nito. Ganoon din naman ito sa kanya.
“I know. Kanina ka pa balisa.” ang mahinang sabi ni Maddie.
“Hindi siya makapaniwala na may anak na ako.”
“Bakit daw siya nandito?”
“Ewan ko. Ayokong alamin, Maddie.”
Hindi nagsalita si Maddie. Tanging ang ingay lang mula sa telebisyon ang pumailanlang sa buong kwarto. Nakayakap si Maddie sa kanyang unan habang nakatiklop naman ang braso ni Ethan para patungan ng ulo. Nakatalikod siya kay Maddie kaya’t hindi niya kita na pinagmamasdan siya nito. Si Ethan muli ang bumasag sa katahimikan.
“Tinanong niya ako kung kasal daw ba tayo.” ang sabi ni Ethan bago tumihaya at tingnan ang babaeng katabi.
Inilahad niya ang kamay kung saan naroon ang singsing at hinawakan ito ni Maddie. Pinaglaruan niya ang palasingsingan ni Ethan at mahinang tumawa. Sumunod din si Ethan at kahit papaano ay gumaan ang kanyang pakiramdam.
“Would you have chosen differently?” ang tanong ni Maddie habang iniikot-ikot ang singsing sa daliri ni Ethan.
“No. Phil has given me a new life. I would have done the same thing.”
“Do you like Dexter?” ang tanong ni Maddie.
“Maddie!!” ang protesta ni Ethan bago ilayo ang kamay dito.
Pinalo ni Maddie ng unan si Ethan at tumawa ng malakas bago sapuin ang sariling bibig nang maalalang natutulog si Phil sa kabilang kwarto. Napatayo naman si Ethan mula sa pagkakahiga para umiwas sa gagawin ni Maddie.
“I just asked! You seem to be fond of him. You always go to that coffee shop. Tapos…”
“Stop it. He’s too young for me. Grabe ka.”
“Ilang taon na ba siya?”
“Twenty five.”
“You’re twenty seven! Hindi naman May-December affair ‘yan.”
Bumalik sa kama si Ethan at humiga. Pinatay ni Maddie ang telebisyon at humiga na rin sa tabi ni Ethan. Parehas silang nakatingin sa kisame habang marahang nagsasabay ang pagtaas-baba ng kanilang mga dibdib.
“Phil needs to grow up in a complete, normal family.” ang sabi ni Ethan.
“I agree. Pero you’re still free to date whoever you want. Hindi naman tayo kasal.” ang sabi ni Maddie.
Humarap si Ethan sa kanya na parang isang batang sabik sa candy. Gamit ang unan sa kanilang pagitan ay itinulak niya ito para magsabi ng totoo.
“Are you dating someone?” ang tanong ni Ethan dito.
“No.”
“E why are you pushing me?”
Humarap din si Maddie sa kanya at niyakap ang unan sa kanilang pagitan. Seryoso ang mukha nito.Kahit sa dilim, kita ni Ethan ang tangos ng ilong at ang kintab ng mapupulang labi nito.
“Alam ko kung gaano kalakas ang impact ni Andre sa’yo. Lalo na ngayong bumalik siya. Kahit na sabihin mo sa sarili mong nakalimutan mo na siya, sa nakikita ko, halata namang hindi talaga.”
“Galit ako sa kanya.”
“May emosyon ka pa ring nararamdaman para sa kanya. You haven’t totally gotten over him.”
“And that’s a bad thing.” ang pagsasabi ni Ethan ng totoo.
“Not necessarily. Gusto mo ba ulit siyang bumalik sa buhay mo?”
Hindi nakasagot si Ethan. Iyon ang isang bagay na takot siyang itanong sa sarili. Ang bawat desisyon niya ngayon ay hindi na lang para sa kanyang sarili. Kailangan na rin niyang isipin ang kapakanan nina Maddie at Phil. Kahit na gustuhin niyang bumalik si Andre sa buhay, hindi naman niya alam kung bakit ito talaga muling nagpakita. Isa pa, hindi niya alam kung matatanggap niya si Maddie at Phil na kadikit na ng buhay niya.

Isang linggo na ang nakalipas simula nang muling magpakita si Andre sa kanya. Maaga siyang nagising nang araw na iyon. Matapos paliguan ang anak ay siya naman ang naghanda para mag-almusal sa labas. Habang nagbibihis ay pumasok si Maddie sa kwarto na may dalang bag.
“Ethan, aalis na ako. Tawagan mo lang ako ha. Babalik din ako mamayang hapon.” ang paalam ni Maddie bago humalik sa pisngi ni Ethan.
“Sige. Enjoy your day!” Nakatanggap ng imbitasyon si Maddie mula sa mga kaibigan noong kolehiyo para sa isang araw ng bonding. Ilang taon na silang hindi nagkita-kita kaya naman isang buong araw talaga ang pinlano ng mga ito. Wala namang tutol si Ethan dahil kasama naman sa usapan nila ni Maddie na dapat ay magkaroon pa rin sila ng oras para sa sarili na hindi kasama ang anak.
“Magdala ka ng dalawang extra na damit ni Phil. Tsaka ‘yung water bottle, nasa ref. May laman na iyon.”
“Okay, did you get my keys?” ang tanong ni Ethan habang isinusuot ang isang polo shirt bago maglakad palabas ng kwarto.
Bitbit ni Maddie si Phil para magpaalam sa anak. Ilang beses nitong pinupog ng halik ang anak bago iwagayway kay Ethan ang susi ng kotse na madalang lang nilang magamit. Muling humalik si Maddie sa pisngi ni Ethan bago ito tuluyang lumabas ng unit.
Walang isang oras ang itinagal ng mag-ama sa unit. Bumaba na rin sila at naglakad papunta sa kapehan na kung saan nagtatrabaho si Dexter. Hindi niya alam kung naroon ito nang mga oras na iyon pero nakagawian na niyang magpunta roon tuwing Linggo ng umaga. Ngayon ay isinama niya ang anak dahil hinahanap na ito ng mga barista roon. Sobrang natutuwa silang lahat kay Phil.
Pagpasok nilang dalawa ay masaya silang binati ng mga nasa likod ng counter. Naroon si Adela na agad na lumabas para bigyan ng halik si Phil. Bumalik din ito agad dahil may customer na pumasok at dumiretso sa counter. Bakante ang tanging pwestong inookupa ni Ethan kaya’t doon dumiretso ang mag-ama.
“Phil!!” ang sigaw ni Dexter mula sa kabilang bahagi ng kapehan.
Halos patakbo itong lumapit sa kanila at binuhat niya si Phil. Parang hindi nito napansin si Ethan na nakaupo dahil nakabuhos ang buong atensyon nito sa bata. Panay naman ang tawa ni Phil sa pangungulit sa kanya ni Dexter na ikinangiti ni Ethan.
“Hi Ethan.” ang bati ni Dexter sa kanya nang ibalik si Phil sa upuan.
“Hey.” ang tanging sabi niya.
“Okay ka na?”
“Oo naman.”
Isang boses mula sa kanilang likuran ang nagpatigil sa kanilang pag-uusap. Naunang tumingin si Dexter. Nakita niyang nakatingin ang lalaki kay Ethan. Nagpalipat-lipat ang kanyang tingin sa dalawa.
“Sabi ko na nga ba, nagsisinungaling ka.” ang sabi ni Andre.
“What? Go away, Andre.” ang pagtaboy ni Ethan dito.
“I’m staying.” ang sabi ni Andre bago ibaling ang atensyon kay Phil at kausapin ito.
“Lumayo ka sa anak ko.” ang bulong ni Ethan.
Ayaw niyang iparinig kay Phil ang tono ng kanyang pananalita. Walang kinalaman ang bata rito kaya hindi na siya dapat madamay. Mabilis na humarang si Ethan sa pagitan nina Andre at ng kanyang anak. Binuhat niya ito at ikinalong sa kanyang hita.
“May problema ba, Ethan?” ang seryosong tanong ni Dexter sa kanya habang nakatingin ng masama kay Andre.
“Give us coffee please. Tall, brewed with milk and sugar on the side.” ang utos ni Andre na parang nagsasabi sa katulong.
“No. He’s not staying, Dex. I’ll order up mamaya.” ang tutol ni Ethan.
Lumapit si Andre kay Dexter. Magkasing-taas lang sila pero mas malaki ang katawan ni Dexter. Mas makintab lang ang pagiging moreno ni Andre. Hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Dexter at nakipagtitigan kay Andre.
“Two tall, brewed coffee with milk and sugar on the side. Or I’ll call your manager.” ang pag-ulit ni Andre kay Dexter. “You don’t own this place, Ethan. I’m staying. I’m not doing anything. Just sharing a table with you. Hindi mo ako mapapaalis.” ang sabi naman niya kay Ethan.
Tumango na lang si Ethan kay Dexter bilang pagpayag sa order ni Andre. Ibinagsak ng huli ang pinto nang pumasok ito sa loob ng counter at hind nawala ang pagkaseryoso ng mukha nito. Doon lang niya nakitang hindi nakangiti si Dexter. Inabala na lang ni Ethan ang sarili sa pakikipaglaro sa anak na nakatuon ang atensyon sa laptop.
“Hiwalay na kami.” ang sabi ni Andre.
“Okay.” ang tanging sabi ni Ethan.
“Magdadalawang taon na.” ang patuloy ni Andre.

Wala pa ring napala si Andre nang araw na iyon dahil hindi halos nagsalita si Ethan. Itinuon nito ang atensyon sa anak na para bang wala siya roon. Ilang beses siyang nagtanong na hindi sinagot ni Ethan. Naiintindihan niya kung bakit ganoon ang trato nito sa kanya. Pero kilala niya si Ethan. Alam niyang kaunting suyo pa rito at bibigay rin ito.
“I’m going, E… Sorry talaga. Gusto kong bumawi sa’yo sa lahat ng mga nagawa ko. Sana bigyan mo ako ng chance.”
“Say bye-bye, Phil. Come on.” ang malambing na utos ni Ethan sa anak habang nakatingin kay Andre.
Umalis na ito matapos pisilin sa pisngi si Phil at hindi na lumingon pa. Pasimpleng sinundan ni Ethan ng tingin si Andre hanggang sa tuluyan itong humalo sa mga taong dumaraan. Mula sa pagtingin niya sa pinto ay nakita niya si Dexter na palapit sa kanya. Bahagya siyang nagulat at muling ibinaling ang atensyon sa anak.
“Sino ‘yun?” ang tanong sa kanya ni Dexter.
“College friend.”
“Tingin niya ba…” ang pagsisimula ni Dexter sa kanyang tanong pero piniling bawiin ito sa gitna.
“Ano?”
“Wala.” ang sabi ni Dexter.
“Ano nga?” ang pilit ni Ethan.
“Tingin niya ba may relasyon tayo?” ang tanong nito.
Nakaramdam ng hiya si Dexter dahil sa kanyang sinabi. Alam niyang may anak si Ethan pero hindi niya maiwasan na minsang maramdaman ang koneksyon sa pagitan nilang dalawa na pilit nilang hindi pinapansin. Sa tagal ng pagbisita ni Ethan sa kapehan, may ilang beses na gusto niyang yayain ito na kumain sa labas. Ngunit noong araw na nagkaroon siya ng lakas ng loob, dinala naman ni Ethan si Phil kaya’t hindi na niya tinuloy ang balak. Pero ngayon, nakita niya si Andre na kung umasta ay para bang isang protective na boyfriend kay Ethan. Muli na namang nabuhay sa kanyang loob ang pag-asa sa kanilang dalawa ni Ethan.
“Oo.” ang maikling sagot ni Ethan.
Hindi inasahan ni Dexter ang sagot na iyon ni Ethan. Lumapit siya ng kaunti pa at hinaplos si Phil pero ang atensyon ay nasa ama nito. Nakatingin si Ethan sa kanya at doon lang talaga nagtama ng diretso ang kanilang mga tingin. Mula sa sinag ng araw na umabot sa kinatatayuan ni Dexter, kapansin-pansin ang pagka-brown ng mga mata nito.
“Naging kayo ba?” ang tanong ni Dexter na nagpaalala kay Ethan sa nakaraan nila ni Andre.
Huling araw ng finals nang muli silang magtungo kina Patricia para sa isang party. Tulad ng nakagawian, nalasing na naman ang lahat at hindi na kinaya pang umuwi. Nakakailang shots pa lang ang barkada nang simula ni Andre na asarin si Ethan sa pamamagitan ng pagyakap dito na para bang ginagaya ang ginawa ni Ethan noong unang beses na yakapin niya ito habang natutulog.
“Tigilan mo nga.”
“Hindi mo ba naaamoy ang pabango ko?” ang tanong ni Andre.
“Naaamoy. Hindi mo na kailangang lumapit ng ganyan sa akin. Dun ka sa tabi ni Noah!” ang sabi ni Ethan.
“Ayoko. Baka may magselos na naman.” ang bulong ni Andre sa kanya.
“Hoy, masyado na yatang lumalaki ‘yang ulo mo ha. Excuse me!” ang sabi ni Ethan.
“Hindi naman ikaw ang tinutukoy ko. ‘Yung girlfriend ko.” ang depensa ni Andre.
Sakto namang inabutan si Ethan ng isang shot ng tequila. Hindi na siya nagsayang pa ng oras at inubos ang laman ng shot glass. Ramdam niya ang pagguhit ng alak sa kanyang lalamunan at sa kakaibang init na dinulot nito sa kanyang tiyan.
“Fictional.” ang bulong ni Ethan.
“Ano?” ang tanong ni Andre matapos uminom.
“Wala. Sabi ko hindi ako tatabi sa’yo mamaya.”
“May iba ka nang gusto? Ouch!!” ang sabi ni Andre.
Tumagal pa ng ilang oras ang kasiyahan ng magkakaibigan hanggang sa isa-isa nang sumuko ang mga ito. May mga ibang matatapang na umuwi pa rin kahit na lango na sa alak. Naunang umakyat si Ethan sa guest room nina Patricia. Nakahiga na sa kama ang tatlo nilang kaibigang lalaki at himbing na sa tulog. Tinanggal lang niya ang suot na polo at pantalon bago isalampak ang katawan sa malambot na kutson sa sahig. Malamig sa kwarto kaya’t nagbalot siya ng kumot. Pumasok ang dalawa pa nilang kaibigan at napagitnaan siya ng mga ito.
Agad na nakatulog si Ethan. Naalimpungatan na lang siya nang marinig niya ang mahinang mura ng isa sa mga katabi dahil naistorbo ang tulog nito. Kasunod noon ay ang boses ni Andre. Nang iminulat niya ang mga mata, bumungad ang mukha ni Andre sa kanya. Ilang segundo ang kinailangan niya para mag-adjust sa dilim at nakita niya ang mga mata nito na nakatingin sa kanya.
“Matulog ka na.” ang utos ni Ethan sa kanya.
“Hug mo muna ako.” ang paglalambing ni Andre.
Nagulat si Ethan dahil unang beses itong gawin ni Andre sa kanya. Matapos nitong malaman ang tunay niyang sekswalidad, wala naman talagang nagbago. Napansin niyang mas lumalim pa ang pagkakaibigan nila na naging sanhi ng lalong pagtindi ng nararamdaman niya rito. Pero dahil nga lagi nitong binabanggit na mayroon siyang girlfriend na nakatira sa village nila at kaklase niya noong high school, hindi siya nagkalakas ng loob na aminin ito sa kanya.
“Tumigil ka, Andre. Dun ka kay Noah magpayakap.” Si Noah ang isa sa mga kaibigan nila na simula’t sapul ay masasabing ‘out’ na. Walang ibang nakakaalam ng tungkol kay Ethan kung hindi si Andre lang.
Pero imbes na lumayo ay lalong lumapit si Andre sa kanya. Hindi naman makagalaw si Ethan dahil magigising ang katabi niya kaya’t hinayaan na lang niya ito. Hinanap nito ang kamay ni Ethan at iniyapos ito sa sariling katawan.
“Smell away…” ang sabi ni Andre bago pumikit ng nakangiti.
Naiwan namang nakadilat si Ethan at nakatingala sa mukha ni Andre. Mula sa kakarampot na liwanag, pinagmasdan niya ang masayang mukha nito. Hindi niya tinanggal ang kamay na nakapatong sa tiyan nito. Iniusog lang niya ito para mayapos ang baywang ni Andre. Nagpaubaya naman si Andre at bahagyang inilapit ang katawan sa kanya.
“I love you…” ang bulong ni Ethan bago ihilig ang ulo sa dibdib ni Andre nang masiguradong tulog na ito.
Pinakinggan niya ang tibok ng puso nito. Normal ang pagtaas-baba ng kanyang dibdib habang marahan itong gumalaw at ilapat ang baba sa ulo nito. Narinig niya itong huminga ng malalim bago bumulong. Laking gulat ni Ethan dahil sigurado siyang narinig nito ang kanyang kumpisal.
“I have a girlfriend…” ang bulong nito.
Nag-angat ng mukha si Ethan. Nakapikit si Andre at nakangiti pa rin. Lumuwag ang pagkakayakap niya rito habang sinusubukang tapatang ang lebel ng mukha nito. Marahan niya itong tinapik sa pisngi. Iminulat niya ang mga mata.
“But you don’t have a boyfriend.” ang sabi ni Ethan.
Tinanggal ni Andre ang braso na hinihigaan ni Ethan at walang sabi na tumalikod ito sa kanya. Naiwan si Ethan sa kanyang pwesto at tanging ang batok na lang ni Andre ang nakaharap sa kanya. Parang biglang nabuhusan ng malamig na tubig si Ethan kaya’t tumalikod na rin ito kay Andre. Pilit niyang pinigilan ang pag-iyak hanggang sa makatulog siya.
Nakapagtapos sila ng kolehiyo nang hindi pinag-uusapan ang nangyari nang gabing iyon. Ganoon pa rin naman ang trato ni Andre sa kanya, na parang walang nagbago. Pero nag-iba ang mga kilos ni Ethan. Nagkita na lang sila ni Andre kapag kasama ang ibang mga kaibigan pero wala na iyong mga lakad na silang dalawa lang. Noong una ay nakahalata si Andre dahil panay ang tanggi nito sa bawat yaya niya. Napagod na rin siguro ito kaya’t tumigil na rin di-kalaunan.
“Andre!” ang sigaw ni Ethan nang magkita matapos ang graduation ceremony.
Lumapit si Ethan sa kanya at akmang yayakap pero hindi pumayag si Andre. Tinapik lang niya sa balikat si Ethan na nagtataka sa ikinilos nito.
“Magkikita pa tayo. No need for a hug.” ang sabi ni Andre.
Walang nasabi si Ethan. Sa totoo lang, wala na siyang balak magpakita pa rito. Nagtungo na sila sa kani-kanilang landas – si Ethan sa isang bangko habang si Andre naman ay nag-aral ng abugasya.
Matapos ang ilang buwang walang komunikasyon, biglang tumawag si Andre sa kanya. Palabas na siya ng opisina at pauwi na nang sagutin niya ang tawag nito. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman pero hindi niya napigilang ngumiti nang marinig niyang muli ang boses nito.
“We need to talk. Kailan ka free?”
“Kakalabas ko lang ng office. Wala naman ako plans tonight. Bakit?”
“May class ako hanggang 6:30 ngayon eh. I-set na lang natin.” ang sabi ni Andre.
“I can wait. If you don’t have other plans.” ang sabi ni Ethan.
Napag-usapan nilang magkita nang alas-siete ng gabi sa isang Italian restaurant. Matapos maglibot sa mall ay nagtungo na si Ethan doon. Al fresco ang pinili niyang dining table dahil mahangin. Nasa ikatlong palapag ang kainan at tanaw mula roon ang kalakihan ng establisimyento. Labinlimang minutong nahuli si Andre sa kanilang usapan kaya naman walang tigil ang paghingi nito ng dispensa kay Ethan nang makarating siya.
“I’m going to the States this term break.” ang bungad ni Andre.
“Wow! I’m happy for you! Bakit?”
“Vacation lang.”
“With? Family?”
Hindi agad sumagot si Andre. Napansin ni Ethan ang pag-iiba ng emosyon sa mukha nito. Biglang lumikot ang kanyang mga mata at namuo ang pawis sa kanyang noo. Agad naman niya itong pinunasan matapos uminom ng isang baso ng malamig na tubig.
“With your girlfriend?” ang muling tanong ni Ethan nang hindi sumagot si Andre.
“E… I need to tell you something.” ang seryosong sabi ni Andre.
Kinabahan si Ethan. Hindi niya gusto ang tono ng pananalita ni Andre. Halatang balisa rin ang mukha nito. Kinuha niya ang baso ng tubig at naubos ang laman nito. Naistorbo lang sila nang dumating ang in-order ni Ethan na pagkain para sa kanilang dalawa. Nang umalis ang waiter ay hinintay lang nito na magsalita si Andre.
“You know, back in college, you used to tease me a lot.” ang sabi ni Andre.
“Ikaw ang laging nang-aasar sa akin, excuse me.” ang pilit na pagtawa ni Ethan para tanggalin ang namumuong tensyon.
“No, I mean, lagi mo akong tinutukso kay…” Tumigil si Andre sa pagsasalita habang nakatingin kay Ethan. Nanlaki ang mga mata ng huli habang nginunguya ang kinakaing pasta nang mapagtanto nito ang patutunguhan ng usapan nila. Ilang segundong hindi gumalaw si Andre habang hinihintay ang sasabihin ni Ethan.
“Kay Noah. Bakit, kayo na?” ang walang emosyong tanong ni Ethan.
“Siya ang kasama ko papunta sa US.” ang sagot ni Andre.
“So kayo na nga?” ang pag-ulit ni Ethan sa kanyang tanong.
“E… I didn’t know how it happened. I…” ang pagpapaliwanag ni Andre.
“Kelan pa?”
“Fourth year, second semester.” Nawalan na ng gana sa pagkain si Ethan kahit na paborito niya ang kanyang in-order. Binalikan niya ang mga pangyayari noong nasa huling semester sila ng kolehiyo. Doon nagsimulang banggitin ni Andre ang tungkol sa kanyang girlfriend na ka-village niya. Tahimik na tinanggal ni Ethan ang table napkin sa kanyang hita at tumayo.
“E… San ka pupunta?”
“Ewan ko. I just need to stay away from you.”
Narinig ni Ethan na tinawag ni Andre ang waiter bago ito humabol sa kanya. Ayaw niyang gumawa ng eksena kaya lalo niyang binilisan ang lakad hanggang sa maabutan siya ni Andre sa gilid ng isang street kung saan walang dumaraang tao.
“Wait!” Nakita niya ang labis na pag-aalala sa mukha ni Andre nang tingnan niya ito. Parang sasabog ang ulo niya dahil sa mga dami ng mga tanong na umiikot sa isip niya. Hinawakan siya ni Andre pero mabilis niyang napalo ang kamay nito at sinuntok ng paulit-ulit ang dibdib nito. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang kanyang lakas at ang tindi ng emosyong nararamdaman.
“Sinungaling ka!” ang sigaw ni Ethan bago magpahabol ng isa pang suntok sa dibdib ni Andre.
“Hindi ko naman sinasadyang saktan ka. Kung alam ko lang… Kung sinabi mo lang noong umamin ka kung ano ang nararamdaman mo…”
“Ano? Kasalanan ko pa?! Matatanggap kong hindi ako ang pipiliin mo dahil alam ko naman sa simula pa, na hindi talaga ako… At kahit kailan, hindi magiging ako ang mahal mo. Matagal ko nang alam iyon kaya tinanggap ko na hanggang pagiging magkaibigan lang ang magiging relasyon natin. Ang hindi ko lang matanggap ay ang magsinungaling ka sa akin! Ilang beses nating nakasama si Noah! Ilang beses kitang binigyan ng pagkakataong magsabi sa akin ng totoo, pero hindi mo ginawa!”
Hindi na napigilan ni Ethan ang maiyak. Nanatili lang na nakatayo si Andre habang gumuguho ang mundo ni Ethan. Hindi niya alam ang gagawin. Sa totoo lang, hindi niya inakalang magiging ganito ang reaksyon ng kaibigan.
“I’m so sorry, Ethan. Kailangan ko lang ng taong makakaintindi sa akin. At alam kong ikaw ‘yun. Kaya nagdesisyon akong umamin sa’yo.”
“Paano mo nagawang magsinungaling sa akin, Andre? Naging totoo naman ako sa’yo.”
Doon tinapos ni Ethan ang pagkekwento niya kay Dexter. Nang mga oras na iyon, masayang nakikipaglaro si Phil kay Adela na naka-break din. Wala masyadong tao sa kapehan kaya naman malaya silang lumabas sa counter. Tahimik lang si Dexter habang nakatitig kay Ethan.
“Pero minahal ko pa rin siya… Kahit na nagsinungaling siya sa akin, kahit na alam kong masaya sila ni Noah, minahal ko pa rin siya. Hanggang sa dumating ako sa punto na sinabi ko sa sarili ko na tama na. Masyado na akong naging tanga. Ang daming oras na ang nasayang ko sa kanya.”

Habang pinapatulog niya si Phil nang hapong iyon ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Dexter. Mahina lang ang boses niya nang sinagot niya iyon. Iniwan niya si Phil sa kwarto nang makitang himbing na ito sa pagtulog.
“Tulog na si baby?” ang tanong ni Dexter.
“Oo. Napatawag ka pala?”
“Uhm… Hindi ko rin alam kung bakit. Uhh, gusto mo bang lumabas saglit? Pakiramdam ko kasi kailangan mo ng makakausap. E wala naman akong ginagawa. So kung pwede ka, tara.” ang sabi ni Dexter.
“Walang magbabantay kay Phil eh. Kung gusto mo, punta ka na lang dito. I can really use a friend right now. Thank you ha.” ang sabi ni Ethan.
Mahigit isang oras ang lumipas bago nakarinig ng katok si Ethan sa pinto. Si Dexter ang bumungad sa kanya na may dalang isang box ng pizza. Agad niya itong pinapasok sa loob ng kanyang unit at agad na sinabihan na huwag masyadong maingay para hindi magising si Phil.
“Hindi ko lang maitugma ang kwento mo sa nakikita ko ngayon. Paano nangyaring may anak ka? Dahil ba sa nangyari kay Andre, naisipan mong bumalik na lang sa pagkakagusto sa babae? Parang hindi naman iyon ganon kadali.” ang sabi ni Dexter matapos ang ilang minutong pagkekwentuhan kasama ng isang box ng pizza at bote ng softdrinks.
Muling nagbalik-tanaw si Ethan sa punto ng buhay niya kung saan pumasok si Maddie. Matagal na nalugmok si Ethan dahil sa nangyari sa kanila ni Andre. Laking pagsisisi niya dahil hindi pa man din nangyari, naudlot pa lalo. May mga pagkakataong gusto niyang ibalik ang mga araw para mas naging matapang siya, para naipaglaban niya ang nararamdaman kay Andre.
Matapos makaisang taon sa trabaho ay nakahiligan ni Ethan ang magpunta sa iba’t-ibang lugar – sa loob at labas ng bansa. Halos kada isang buwan ay mayroon siyang lakad. Minsan ay may kasama siyang pamilya o kaibigan, pero mas madalas ay mag-isa lang siya. Doon niya naramdaman na masyadong malaki ang mundo, marami pa ang pwede mangyari kaysa sa ikulong niya ang sarili sa nararamdaman kay Andre.
“Tama na.” ang nasabi niya sa sarili, isang gabi habang naglalakad siya sa isang sikat na lugar sa Malaysia.
Pumasok siya sa isang kainan at doon ay nakasabay niya ang isang lalaki na may kasamang bata. Dalawa lang sila at nakita niya kung gaano kasaya ito kasama ang kanyang anak. Doon pumasok sa isip niya ang kagustuhan niyang magkaroon ng anak. Hindi niya maikumpara sa kahit na ano ang nakitang kaligayahan sa mga mata ng lalaking kanyang tinitingnan.
Pagbalik niya ng bansa ay mayroon siyang dinaluhang homecoming party sa pinasukang eskwelahan noong high school. Doon niya muling nakita si Maddie. Madalas naman silang magkita noong nasa kolehiyo pa sila pero natigil iyon simula nang magtrabaho si Ethan. Mahaba ang buhok ni Maddie noon at makapal ang make-up.
“Ethan, oh my God!!! You look so different!” ang sigaw ni Maddie nang makita ang kaibigan.
“Hey, Maddie! Kamusta?”
“Eto, maganda pa rin. Ikaw? Mukhang nakahanap ka na ng jowa ah. Ang blooming mo.” ang sabi ni Maddie.
“Hindi. Kakabalik ko lang from Kuala Lumpur. Nakabakasyon ako. Kaya hindi mukhang stressed.” May isang babae ang lumapit sa kanila. Maikli ang buhok nito, gupit-lalaki. Pormang lalaki. Iniyapos nito ang kamay sa baywang ni Maddie.
“Babe, ipakilala ko sa’yo ang high school bestfriend ko.” ang sabi ni Maddie roon.
Nalaman ni Ethan na Maria ang pangalan ng karelasyon ni Maddie. Pero Mar ang palayaw nito. Hindi komportable si Ethan dito kaya naman iginala nito ang mga mata para humanap ng ibang pamilyar na mukha. Kahit na gusto niyang makasama si Maddie, naiilang siya kay Mar.
Matapos ang muli nilang pagkikita sa homecoming party ay muling napadalas ang pagkikita nila ni Maddie. Minsan ay kasama nila si Mar, madalas ay hindi. Nakilala na rin ito ni Ethan ng husto at nagbago ang tingin niya rito dahil mabait naman at palatawa si Mar. Naikwento na rin lahat ni Ethan ang mga nangyari kay Andre sa loob ng ilang mga pagkikita nila ni Maddie.
“Feeling ko talaga, Ethan, pang-forever na ‘tong si Mar. Nag-uusap na kami about settling in, building a family, having kids. Alam mo yun, grown-up talks!” ang sabi ni Maddie habang umiinom sila ng wine sa isang restaurant malapit sa pinagtatrabahuhan ni Ethan.
“Having kids? Adoption?” ang tanong ni Ethan.
“I don’t know. Pero I wanna carry it eh.”
“In vitro?” ang muling tanong ni Ethan.
“Willing ka ba mag-donate?” ang tanong naman ni Maddie sabay tawa ng malakas.
Natawa rin si Ethan pero hindi naman niya nakikitang imposible na mangyari iyon. Gusto rin naman niyang magkaroon ng anak. Pero ang problema lang ay kung paano ang magiging set-up. Mahihirapan ang bata kung tatlong magulang ang magpapalaki rito. Sigurado rin si Ethan na hindi papayag si Mar.
“Okay lang. Basta malalaman niyang ako ang ama.”
“Are you serious?”
“I think so.” ang sabi ni Ethan bago tumawa.
Bago pa man iyon tuluyang mangyari ay naghiwalay na sina Maddie at Mar. Nalaman ni Maddie na may iba palang kinakasama si Mar kaya naman mabilis niya itong pinalayas sa kanilang bahay. Si Ethan ang una niyang tinawagan at agad naman itong pumunta para sumuporta. Walang tigil ang pag-iyak ni Maddie dahil nasira ang lahat ng plano niya. Hindi na rin nagpakita si Mar at mukhang hinintay lang talaga na malaman ni Maddie ang kanyang itinatago bago umalis.
Naging sandalan ni Maddie si Ethan sa mga sumunod na mga buwan na malungkot ito dahil sa nangyari sa kanila ni Mar. Isang gabi, pagdating ni Ethan sa bahay nito ay lango na ito sa alak. Magulo ang buong bahay at pasuray-suray na ang lakad niya palapit dito.
Yumakap sa kanya si Maddie. Hindi niya ito inasahan kaya naman nawalan siya ng balanse. Mabuti na lang at sa sofa siya napaupo. Nakaupo sa kanyang harapan si Maddie na halos hindi na maibukas ang mga mata.
“Ethan… Remem… remember you said na willing ka mag-donate para magka-baby ako?” ang tanong nito sa kanya.
Amoy ni Ethan ang alcohol sa hininga ni Maddie. Natigilan siya bago pa man siya makasalita dahil naghubad si Maddie ng damit sa kanyang harapan. Ibinaba nito ang suot na shorts at panloob. Unang beses lang ni Ethan makakita ng hubad na babae sa personal. Sinimula na ring tanggalin ni Maddie ang butones ng suot niyang polo. Kasunod noon ay ang pagbaba nito sa kanyang pantalon.
“Maddie… I don’t think… Alam mo namang…”
“Shut up!” ang sigaw ni Maddie bago halikan sa labi ni Ethan.
Nagpumiglas si Ethan. Hindi niya gustong magkaroon ng anak sa ganitong paraan. Ayaw niyang lumabas na pinagsamantalahan niya ang kahinaan ni Maddie. Binuhat niya si Maddie papunta sa kwarto habang hinahalikan siya nito sa leeg. Nang ibaba niya ito sa kama ay kinumutan niya ito at lumayo ng ilang hakbang.
“We can’t do it like this.” ang sabi ni Ethan bago lumabas sa kwarto at iwan doon si Maddie.
Nagpunta siya sa kusina at doon nakita ang iniinom na alak ni Maddie. Kinuha niya ito at ilang lagok na uminom direkta galing sa bote. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib dahil hindi niya alam ang gagawin. Nagtatalo ang kanyang isip. Uminit ang kanyang katawan sanhi ng alak na ininom. Halos naubos niya ang kalahating natira ni Maddie sa bote. Umupo siya sa sofa at tumingala.
“Ethan, I want this… I need this…” ang sabi ni Maddie sa kanya mula sa pintuan ng kwarto.
Tumayo si Ethan at lumapit kay Maddie. Tanging boxer shorts lang ang suot nito habang si Maddie ay wala ng saplot. Hinaplos niya ang mukha ni Maddie habang nakatingin sila sa isa’t isa.
“I need this as much as you do.” ang sabi ni Ethan bago halikan si Maddie at dalhin sa kama.
Natigil si Ethan sa pagkekwento nang lumabas si Phil mula sa kwarto. Ngumiti ito at tumakbo papunta sa sala nang makita si Dexter. Agad itong umupo sa hita nito at nakipaglaro. Sa pagitan ng pakikipagkulitan kay Phil, nakinig si Dexter sa kwento ni Ethan.
“Tatlong buwan na siyang buntis nang sabihin niya sa akin na nagbunga ang nangyari sa amin nang gabing iyon. Pinuntahan ko siya agad para malaman niya na suportado ko naman siya.”
“Nagpakasal kayo?” ang tanong ni Ethan na nag-udyok sa kanya na hawakan ang sinsing sa kanyang daliri.
“Hindi. Itong suot ko, promise ring lang ito na hindi namin papabayaan ang isa’t isa. Kami ang magulang ni Phil, palalakihin namin siya nang magkasama pero hindi ibig sabihin ay kailangan naming matali sa isa’t isa. In the first place, magkaiba ang gusto namin.” ang sabi ni Ethan bago tumawa.
Pinakain ni Ethan si Phil ng pizza habang nakakandong ito kay Dexter. Kinuha ni Dexter ang pagkain mula kay Ethan at siya na ang nagpakain dito. Natutuwa naman si Ethan dahil magiliw ito sa kanyang anak.
“So, kung imbitahin kitang lumabas na tayong dalawa, papayag ka?” ang tanong ni Dexter sa kanya.
“Si Phil ang priority ko ngayon, Dex. Gusto kong lumaki siya na kumpleto ang pamilya niya.”
“Hindi naman kita aagawin sa anak mo. Gusto ko lang pasayahin ka sa paraang alam ko. Nakikita kong masaya ka para sa anak mo, para kay Maddie. Pero hindi ko nakikitang masaya ka para sa sarili mo.”
“Hindi ko alam. Parte silang dalawa sa lahat ng desisyon ko.”
“Hindi naman kita minamadali. Pag-isipan mo. May instant uncle agad si Phil.” ang sabi ni Dexter bago ipagpatuloy ang pakikipaglaro sa bata.
Pinanood lang ni Ethan ang dalawa. Lumipas pa ang halos dalawang oras bago dumating si Maddie. Naabutan niya si Dexter sa unit at may kakaibang ngiti ito kapag tumitingin kay Ethan. Alam niyang magpapakwento ito sa kanya pag-alis ni Dexter. Inimbitahan niya ito na sumabay sa kanila maghapunan kaya naman agad siyang naging abala sa pagluluto.

Kinabukasan ay halos walang ginawa si Ethan sa trabaho. Tuwing huling linggo ng buwan ay talagang wala masyadong gawain kaya naman malaya siyang nakapag-ikot sa kalapit na parke ng ilang minuto para makapag-isip. Alas-kuwatro na ng hapon at hawak niya ang kanyang cellphone. Nagdadalawang-isip siya sa binabalak na gawin.
Simula nang gumulo ang lahat sa buhay niya, bago pa maipanganak si Phil, ay nagpalit na siya ng numero. Pero alam pa rin niya ang cellphone number ni Andre. Nang mai-dial ito sa screen ay binigyan lang niya ito ng hanggang tatlong ring. Kapag walang sumagot, hindi na niya itutuloy ang plano. Pero nakakadalawa pa lang nang marinig niya ang boses nito sa kabilang linya.
“Hello.”
“Andre.”
“Sino ‘to?”
“E… Ethan. Let’s meet. Now.” ang sabi ni Ethan bago ibigay ang kanyang lokasyon.
Nakailang ikot pa si Ethan sa parke bago maisipang umupo sa isang bench na nasa ilalim ng isang malaking puno. Ilang minuto pa ay nakatanggap siya ng tawag galing kay Andre. Pagkasabi pa lang niya ng “Hello.” ay nakita na niya itong naglalakad papunta sa kanyang direksyon. Pero hindi siya nito nakita.
“Nasaan ka?”
Tumayo si Ethan. Hindi naalis sa kanyang paningin si Andre na palingon-lingon sa bawat direksyon. Naka-long sleeves itong asul na itinupi hanggang siko at itim na pantalon. Nakasukbit sa isang braso nito ang itim na coat. Nakaikot sa kanyang leeg ang niluwagang kurbata.
“Straight ahead.” ang sabi ni Ethan.
Binilisan ni Andre ang lakad nang masilayan ang mukha ni Ethan mula sa malayo. Pinanood niya itong umupo habang nakatingala sa malaking puno. Umupo siya sa kabilang dulo ng bench. Hindi lumingon si Ethan.
“Hi.”
“Hello.” ang tanging sabi ni Ethan.
“I’m surprised to receive a call from you.”
“I’m surprised I still know your number.”
Pasimpleng lumapit si Andre kay Ethan hanggang sa magdikit ang kanilang mga braso. Hindi naman gumalaw si Ethan. Mula sa pagtingala ay yumuko ito nang walang salita. Nakatago ang araw sa makakapal na ulap. Ilang minuto na lang ay lulubog na ito para bigyang daan ang mga bituin na kumislap.
“Okay na ba tayo?” ang tanong ni Andre.
“Why…”
“Why? What?” ang naguguluhang tanong ni Andre.
“Bakit ka bumalik?”
“Para bumawi sa’yo. Para bigyan tayo ng… Shit, ang corny… Okay. E, tingin ko kasi nagkamali ako sa naging desisyon ko.”
Ngayon ay lumakas na ang loob ni Ethan na tingnan si Andre sa mga mata. Ang huli naman ang yumuko. Tiningnan ni Ethan si Andre na para bang gusto nitong alalahanin ang mga magagandang alaala nila.
“Nagkamali saan?”
“Matagal akong nagsinungaling sa sarili ko. Bago mo pa ipamukha sa akin kung gaano ako kasama dahil sa hindi ko pagsasabi sa’yo ng totoo, matagal ko nang alam iyon. Hindi ko alam, E. Wala akong idea na… He was there. I thought magagawa kong kalimutan. Akala ko si Noah ang makakatulong sa akin.”
“Wait, anong pinagsasasabi mo?” ang naiiritang tanong ni Ethan.
Naalala ni Andre ang mga pagkakataong naging totoo siya sa sarili. Noong nasa kolehiyo pa sila, isa sa mga pinakamalapit nilang kaibigan ni Ethan si Patricia. Madalas ay sa bahay nila sila nagpa-party. Malaki ang bahay nina Patricia kaya naman gusto ng lahat na doon lagi magpunta tuwang magkakatuwaan.
Nang gabing iyon na binalikan ni Andre sa kanyang isipan, hindi planado na roon siya matutulog. Tuwing maglalasingan, nagpapasabi agad si Ethan na makikitulog dahil ayaw nitong umuwi na may tama. Doon din natulog si Andre sa pagkakataong iyon dahil hilo na siya at wala na rin siya makasabay pauwi. Naabutan niyang nakahiga na sa kama si Ethan nang maisipang magpahinga. Humiga siya sa tabi nito at kinulit si Ethan pero minura lang siya nito.
“Huwag mo akong guluhin. Baka masuka ako.” ang sabi ni Ethan bago tumalikod sa kanya.
“KJ!” ang sigaw ni Andre bago patayin ang ilaw.
Narinig niya ang malalalim na hinga ni Ethan. Pinakiramdaman niya kung tulog na ba ito. Hindi siya gumagalaw habang kusang sumabay ang paghinga niya rito. May konting distansya sa pagitan nila. Nakapikit ang kanyang mga mata habang nakatiklop ang kanyang dalawang braso sa ilalim ng kanyang ulo.
Nang magsimula ang mahinang paghilik ni Ethan ay nagmulat ng mga mata si Andre. Mabilis namang nakapag-adjust ang kanyang mga mata kaya’t nakita niya agad ang katabi na himbing na sa pagtulog. Nakaharap na si Ethan sa kanya. Inalis ni Andre ang kaunting distansya sa kanilang pagitan bago marahang iangat ang kamay ni Ethan para iyakap sa kanyang katawan. Walang ingay niyang iniangat ang katawan para maipwesto ang ulo ni Ethan malapit sa kanyang dibdib.
Makipot siyang ngumiti. Kinabahan siya nang biglang gumalaw ang katabi. Natakot siya na baka gising pala ito at buking na ang kanyang sikreto. Pero umayos lang ng higa si Ethan. Bahagyang humigpit ang yakap nito sa kanya habang mas isiniksik ang ulo nito sa kanyang katawan. Nang hindi na ito gumalaw maliban sa pagtaas baba ng kanyang dibdib, masuyo niyang hinalikan ang noo nito bago ipikit ang mga mata at matulog.
Matapos ang gabing iyon ay pinakiramdaman ni Andre ang kaibigan. Hindi niya alam kung paano sasabihin dito ang gustong sabihin. Nang makahanap siya ng tyempo na pag-usapan ito, dinaan niya ito sa isang biro na nagresulta sa pagkakatalsik nila sa library. Kahit hindi sigurado sa naisip, sinabi ni Andre kung ano ang hinala niya. Laking gulat niya nang umamin si Ethan. Doon niya naisip na baka may pag-asa sila. Hinintay niyang umamin ito ng nararamdaman sa kanya dahil sa pakiramdam niya ay mayroon. Pero hindi iyon nangyari dahil sa takot na masira ang pagkakaibigan nila na ilang taon nilang inalagaan.
Gaano katagal siyang nakipagdebate sa kanyang sarili? Hindi na niya alam. Pero nang mga oras na iyon, isang kaibigan ang nanatili sa kanyang tabi – si Noah. Pansin niya ang mga effort ni Noah para magustuhan niya ito. Noong una ay hindi niya ito pinansin pero nang naglaon ay pinagbigyan niya rin. Nawalan na siya ng pag-asa sa kanila ni Ethan at pinanatili na lang ang pagiging kaibigan nito. Hindi na rin niya pinlano pa na umamin dito.
Inaamin niyang hindi niya mahal si Noah nang magsimula ang kanilang relasyon. Pero lumipas ang panahon at naturuan din niya ang puso dahil sa walang sawang pagsuporta nito sa kanya. Napagkasunduan nila na itago ang relasyon sa hiling na rin ni Andre. Wala namang tutol si Noah.
Sa pangalawang pagkakataon na nagkasama sina Ethan at Andre sa pagtulog kina Patricia, umamin ang una sa nararamdaman nito sa huli. Iyon na ang panahon kung kailan nagsisimula nang magseryoso si Andre kay Noah.
“I love you.” ang bulong ni Ethan.
Hindi kaya ni Andre na agad talikuran si Noah. Hindi niya alam ang sasabihin at mararamdaman nang mga panahong iyon. Masyadong komplikado kaya’t pinili niyang tumakas.
“I have a girlfriend…” ang sabi niya kay Ethan bago murahan ang sarili sa kanyang isip.
Iyon na ang pinakahihintay niyang panahon pero pinalampas niya. Gusto niyang tumakbo. Gusto niyang lumayo. May sinabi pa si Ethan pero tumalikod na siya rito dahil hindi niya na alam ang gagawin. Iminulat niya ang mga mata habang patuloy na pinagsisisihan ang ginawa.
Dumaan ang panahon at nanamlay ang kanilang pagkakaibigan. Nagtapos sila ng kolehiyo at nangako siyang makikipagkita pa rin kay Ethan pero hindi na iyon nangyari. Tuluyang nawala si Ethan sa kanyang buhay. Nakalimutan niya rin ito dahil na rin sa masayang relasyon nila ni Noah. Pero matapos ang ilang taon, nagkalabuan sila ni Noah nang magtrabaho ito sa ibang bansa. Nahirapan sila sa komunikasyon at madalas mag-away hanggang sa magdesisyon si Noah na magpahinga mula sila.
“Hindi ko sinasadyang makita ka ulit. Pero siguro may rason kung bakit ulit nagkrus ang landas natin. Baka ngayon na ang chance natin…” ang sabi ni Andre matapos ikwento kay Ethan ang side niya.
“Stop.” ang tanging sabi ni Ethan.
Hindi siya makapaniwala sa narinig. Pero mas hindi siya makapaniwala sa naramdaman. O mas tama yata kung sasabihing hindi naramdaman. Inakala niyang magtatatalon siya sa tuwa dahil nalaman niyang ang kaisa-isahang lalaking minahal niya ay mahal din pala siya. Pero hindi. Walang kabog sa kanyang dibdib. Walang kilig.
“E…”
“Isa lang naman ang reason ko kung bakit kita tinawagan. I just want you to stop. Andre, masaya na ako sa anak ko. Hindi ko rin naman inasahan na magkakaroon ako ng anak. Pero noong sobrang lugmok na lugmok ako dahil sa’yo, siya lang ang nakapagbigay sa akin ulit ng rason para ngumiti. I don’t wanna live in the past. Kung pagbibigyan natin kung ano man ang parehas nating nararamdaman para sa isa’t isa, hindi na ako makakawala sa lahat ng sakit na naranasan ko.”
“Hindi naman natin kailangang balikan ‘yung nangyari dati. Kaya nga ako nandito para makapagsimula ulit tayo.”
“Nakatali ka na sa nakaraan ko. Hayaan mo na akong maging masaya ngayon kasama ang anak ko. Please lang. Huwag ka na ulit magpakita sa akin.”
Ilang segundong tinitigan ni Ethan ang walang ekspresyon na si Andre. Nakayuko ito nang tumayo siya. Hinawakan ni Andre ang kanyang kamay para pigilan siya sa paglayo.
“I love you…” ang sabi ni Andre.
“You should’ve said that seven years ago.” Bumitaw si Ethan sa hawak ni Andre bago iwan ito palayo. Hindi siya nakaramdam ng kahit anong bigat sa dibdib, bagkus tila mas nakahinga pa siya ng maluwag. Parang isang malaking tinik ang natanggal sa kanya. Hindi rin niya naramdaman ang sarili na naiiyak kaya’t hinayaan na lang niyang hawiin ng hangin ang kanyang mukha kasabay ng pag-alis nito sa lahat ng pasakit na naramdaman dahil kay Andre. Sa unang pagkakataon, nasabi niya sa sarili na malaya na siya mula sa pagkakakulong sa matinding pagmamahal kay Andre.

May dala siyang isang bote ng red wine pauwi. Naabutan niyang hinehele ni Maddie si Phil. Humalik siya sa kaibigan na ina ng kanyang anak. Itinuro ni Maddie ang hawak ni Phil at tahimik na nagtanong kung bakit siya may dala noon.
“Shhh.” ang sabi ni Ethan at pasimpleng inutusan si Maddie na ibaba na si Phil sa kama kapag nakatulog iyon.
Binuksan ni Phil ang bote at nilagyan ang dalawang baso ng wine. Agad namang bumalik si Maddie sa kusina at sabik sa ikekwento niya. Pinaupo niya si Maddie bago simulan ang kwento.
“Pinag-isipan mo ba ‘yan ng husto? Ethan, huwag mong inisiping hinahadlangan ka namin ni Phil sa makakapagpasaya sa’yo.” ang sabi ni Maddie matapos ang mahabang kwento ni Ethan.
“Maddie, masaya na ako. Kontento na ako. Hindi ko na kailangan pa ng drama sa buhay ko.
Hinawakan ni Maddie ang kamay ni Ethan. Walang salita ang nangibabaw ng ilang minuto. Ninamnam nila ang katahimikan. Si Ethan ang bumasag doon nang ikwento niya na dumaan siya sa kapehan para kausapin din si Dexter.
“Kaya naman pala ni-let go si Andre! May Dexter nang pumapel eh!” ang malakas na sabi ni Maddie.
“Sshh!” ang sabi ni Ethan.
Mahina silang tumawa nang maalalang natutulog nga pala ang kanilang anak.  Itinuloy ni Ethan ang kwento niya kay Maddie.
“Sinabi ko lang kay Dex na huwag muna ngayon dahil nga gusto ko walang kahati si Phil sa atensyon. Hindi ko naman tuluyang sinara ang pinto. Malay natin, kapag college na si Phil.” ang sabi ni Ethan.
“Loka! Matanda ka na nun!! Baka may apo ka na ‘nun!”
“Joke lang!! Pero ayun nga…”
Natigilan silang dalawa nang marinig ang malakas na pagsasara ng pinto ng kwarto ng anak. Sabay silang napatingin sa direksyon noon. Ilang yabag ang kanilang narinig bago ang malakas na pagtawag ni Phil sa kanyang ama.
“Papa!!” ang nakangiti nitong sabi habang tumatakbo palapit sa kanila.
Tumalon si Phil at mabilis naman siyang nasalo ni Ethan. Nagising ito dahil sa malakas na boses ng dalawa habang napaparami ang kanilang nainom. Mapungay ang mga mata ng bata dahil nagising lang ito bigla.
“Bakit gising ang baby ko?” ang tanong ni Phil.
“Lakas ng boses mo eh.”
“Sleep na tayo? Hmm… Sleep na ulit tayo. Dali, dali.” ang paglalambing ni Ethan sa anak.
“Sleep kayo ni Mommy in my room.” ang sabi ni Phil.
Nagkatinginan ang magkaibigan bago tumawa. Binuhat ni Ethan si Phil at agad namang sumunod si Maddie papunta sa kwarto ng anak. Nang gabing iyon ay sa iisang kama silang tatlo natulog. Nakahawak si Phil sa tainga ni Maddie habang nakadantay naman ang paa nito kay Ethan. Larawan sila ng isang masayang pamilya. Siguro kapag nasa tamang edad na si Phil ay ikekwento nina Ethan at Maddie ang tunay nilang sitwasyon. At sana kapag dumating ang panahon na iyon ay mayroon silang mga katabi na masasabi nilang totoong kabiyak ng kanilang mga puso.

Let It Go

Hello! I’m an open book to all of you, alam niyo naman na siguro lahat yun? 😉 So there’s a recent turning point sa buhay ko nung nagkaroon ako ng lakas ng loob aminin sa taong minahal ko ng halos kalahating dekada ‘yung totoong nararamdaman ko sa kanya. Below story tells it and it’s, let’s say, around 95% accurate.

Standby lang kayo for new posts ha. Currently writing pa lang the next series. Let me know your reactions after reading this short story!

XO

Lui

 
“I love you.”
Hilo na ako. Ilang araw na lang at magpa-Pasko na. Masaya ang lahat maliban sa akin. Matapos ang mahabang araw sa trabaho, nagkayayaan kaming mag-inuman. Biyernes na at halos puno na ang lahat ng mga gimikan sa Taguig kaya naman nauwi na lang kami sa isang maliit na bar malapit sa opisina. Sakto pagdating namin ay may isang bakanteng mesa sa ikalawang palapag. Agad na um-order ng isang bote ng Bacardi at tatlong Sprite in can ang aking kasama. Idagdag mo pa ang isang plato ng nachos. Mabilis akong tinamaan. Nakatatlong baso pa lang yata ako, naramdaman ko na ang sipa ng alkohol.
Wala ako sa huwisyo ng mga panahong iyon. Kaya siguro patuloy lang ang aking paglaklak. HIndi naman talaga ako malakas uminom pero nang mga oras na iyon, parang gusto ko lang tumakas. Muli na naman kasi siyang bumalik sa buhay ko. Dalawang taon na ang nakalipas simula nang magtapos kami sa kolehiyo. Nagkahiwalay kami ng landas dahil sa magkaibang trabahong aming kinuha. Alam kong masaya at kontento siya sa girl friend habang ako naman ay tahimik pa ring minamahal siya. Isa o dalawang beses kada dalawang buwan lang kami kung magkita. Madalas pa ay tuwing lunch break lang. Isang oras para mapagkwentuhan ang mga bagay-bagay. Okay na ako doon. Kahit papaano ay may inilalaan pa rin siyang oras sa akin.
Sumubok naman akong maghanap ng iba. Sumubok akong magmahal ng iba. Pero ewan ko, sa kanya pa rin umiikot ang mundo ko. Dalawang linggo na ang nakakaraan nang makatanggap ako ng mensahe sa kanya. Naghiwalay na sila ng kanyang girl friend. Ako, bilang isang masugid na kaibigan, ay agad na umalalay at nagbigay ng oras. Mas napadalas ang pagkikita namin. Nagawa ko pa siyang isama sa isang book store kung saan ako laging tumatambay. Ibinili niya ako ng dalawang libro habang nag-rekomenda naman ako sa kanya ng tatlo na agad din niyang binili. May kapehan sa loob ng Fully Booked, sa ikatlong palapag ng gusali. Matapos mabayaran ang aming mga libro, umupo kami sa isang couch kung saan madudungaw mo ang lobby sa baba. Doon niya naikwento ang rason sa kanilang paghihiwalay. Naging komplikado ang lahat dahil sa pakikialam ng pamilya. Tahimik lang ako at nakinig lang sa lahat ng kanyang sinasabi.
Nasundan pa iyon ng ilang pagkikita sa Makati, kung saan siya nagtatrabaho. Habang muling bumabalik ang sigla ng aming pagkakaibigan at palayo na ng palayo ang kanyang kwento sa paghihiwalay nila ng kanyang karelasyon, palapit naman ulit ng palapit ang puso ko sa kanya. Alam kong bumabalik na naman ang nararamdaman ko para sa kanya. Lalo na ngayo’t nakikita ko siyang nalulungkot. Hindi ko kaya. Gusto ko siyang pasiyahin. Pero wala akong magawa. Kaya kong lapatan ang puwang na iniwan ng babaeng iyon pero alam kong hindi naman iyon ang kailangan niya. Hindi iyon ang gusto niya. Hindi ko rin siya mapapasaya.
Lango na ako sa alak. Tumawag sa akin ang isang kaibigan ko noong high school na mukhang lasing na rin. Alam niya ang lahat ng nangyayari sa akin. Panay ang pang-aasar niya sa telepono. Wala siyang ibang binanggit kung hindi ang pangalan niya. Binaba ko ang telepono kasunod ng pag-ubos sa natitirang alak sa aking baso. Agad namang napalitan ito ng maitim na inumin. Ubos na pala ang Bacardi na una naming in-order. Sinundan na ito ng Jack Daniel’s na hinaluan ng Coke.
Hinanap ko ang pangalan niya sa messages ng aking telepono at walang atubili kong tinipa ang mga letra na bumuo sa tatlong salitang matagal ko nang gustong sabihin sa kanya. Nakailang baso pa ako hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng balanse. Muntik pa akong mahulog sa hagdan pababa dahil ayokong magpatulong sa aking mga kasama. Halos alas singko na nang makauwi ako.
Nagising ako dahil sa pagtapik ng aking ina sa aking braso. Nakatulog ako sa sofa nang hindi nagpapalit ng damit. Pagkabangon ko para magtungo sa banyo, agad kong naramdaman ang pagkirot ng aking ulo. Marahang bumalik ang sensasyon sa aking katawan at nagsimulang mangati ang aking dibdib. Lagi akong ganyan sa tuwing mapapadami ang nainom kong alak. Nang tingnan ko ang sarili sa salamin, namumula ang aking buong katawan. Ayokong ipakita iyon sa aking ina kaya’t nagmadali akong magpunta sa kwarto at natulog buong araw.
Masakit pa rin ang aking ulo nang muli akong magmulat ng mga mata. Madilim na. Nang tingnan ko ang aking telepono, alas-siyete na ng gabi. May ilang mga mensahe akong natanggap. Pero wala mula sa kanya. Kinabahan ako nang mabasa ko ang ipinadala kong mensahe. Dali-dali akong gumawa ng mensahe para kahit papaano ay mabawi ang aking sinabi.
“Hi, sorry. I was sooooooo drunk last night! Kung ano man nasabi ko, please ignore it!”
Mabilis pa sa alas-kwatro siya kung tumugon sa aking mga mensahe. Pero wala akong natanggap nang araw na iyon. At sa sumunod pang mga araw. Hindi ko na siya kinulit kahit na kating-kati na akong malaman kung ano ang reaksyon niya. Muli lang akong nagkaroon ng lakas ng loob magparamdam noong araw ng Pasko. Magandang excuse ang selebrasyon para batiin siya at ang kanyang pamilya.
“Merry Christmas din! May pasok na agad bukas. Bitin ang bakasyon. :(” ang tugon niya.
“Naka-leave pa ako. Gusto mo ba mag-lunch? Gusto rin sana kitang makausap.”
“About saan?”
“Basta. Bukas ha. Puntahan kita. 12.”
Wala na ako natanggap na tugon. Kinabukasan, alas-onse y media pa lang ay nasa Starbucks na ako sa tapat ng kanilang gusali. Nagpadala agad ako ng text sa kanya na naghihintay na ako roon at pwede na siyang pumunta. Naglalaro na sa isip ko kung paano ko bubuksan ang paksa patungkol sa sinabi ko sa kanya noong lasing ako. Pero lumipas ang dalawang oras, walang pumasok na tao sa kapehan na direktang umupo sa upuan sa aking harapan. Nakatatlong tawag ako sa kanya pero hindi siya sumagot.
Hindi ko maintindihan ang naramdaman ko noon. Gusto kong magalit sa kanya. Gusto kong magalit sa sarili ko. Kung alam man niya ang dahilan ng pagpunta ko roon, pwes ang duwag niya para hindi ako harapin. Naiinis ako sa sarili ko dahil ang tanga ko sa pag-iisip na posibleng magkaroon ng magandang kalalabasan ang gusto kong mangyari.
Dumaan ang bagong taon, ang Valentine’s Day, na wala akong naririnig na kahit ano mula sa kanya. Nagkita lang kaming muli nang manood kami ng concert ni Bruno Mars kasama ang dalawa pa naming kaibigan. Nasa labas na kami ng MOA Arena nang makatanggap ako ng tawag mula sa kanya.
“Hello?”
“Nasaan kayo?” ang tanong niya sa akin.
“Nandito kami sa Starbucks. Nasaan ka na?”
“Papunta na kami. Hintayin niyo kami diyan ah.”
Kami? Sa pagkakaalam ko, apat na tickets lang ang meron kami. Agad na akong kinutuban kung ano ang mangyayari kaya’t hindi na ako nagsalita. Mula sa kabilang dulo ng mahabang pasilyo, nakita ko siyang naglalakad katabi ang isang babae. Hindi nga ako nagkamali. May bago na siya. Kaya naman pala muli siyang nawala sa akin. Ganoon naman lagi ang eksena namin. Kapag wala siyang girl friend, ako ang kasama niya. Pero kapag nakahanap siyang muli, ako rin ang unang nawawala sa isip niya.
Ipinakilala niya sa amin ang kanyang kasama. Mabait naman iyon at hindi naman ako naging suplado. Mabuti nalang at medyo malayo ang upuan nila kaya’t hindi ako na-distract na makita silang masaya habang pinapanood ang napakagandang show. Matapos ang halos dalawang oras na concert ay kumain kami sa isang restaurant kung saan mas napagmasdan ko silang dalawa.
“Uhm, excuse me? Follow-up lang nung order namin.” ang sabi ko sa waiter.
“Mga five minutes pa, Sir.” ang sagot sa akin.
“Five minutes ago, ‘yan din sinabi mo sa akin eh.”
Hindi ko na inintindi ang tinugon niya. Halos maubos ko ang lamang iced tea ng basong nasa aking harapan dahil sa inis. Halos tatlumpung minuto na kaming naghihintay sa aming pagkain. Gutom na ako.
“Parehas kayo ng ugali. Ganyan din ‘to eh kapag may mga ganyang five minutes, five minutes. Talagang binabantayan. Dapat sakto.” ang natatawang sabi sa akin ng babaeng kasama niya.
“Alam mo na kung kanino ako nagmana.” ang sabat niya habang tumatawa rin.
“Oo nga. Totoo nga ‘yung kinekwento mo.” ang sabi ng babae bago siya malambing na hampasin sa braso.
Ngumiti lang ako pero sobrang nagseselos na ako. Inasahan ko kasing magkakaroon kami ng pagkakataon na makapagkwentuhan na kaming dalawa lang. Mahigit dalawang buwan na rin kaming hindi nagkita. Mabuti na lang at bago matapos ang gabi ay nagkaroon kami ng pagkakataon nang sabay-sabay magtungo sa banyo ang tatlo naming kasama.
“May sasabihin ako.” ang pasimula niya.
“Yup?” ang sabi ko habang inuubos ang dessert na binili.
“Pupunta ako sa States.”
“For good?”
“Hindi. Bakasyon lang. Sa May pa balik ko.”
“Ah. Okay. Ang yaman. Ingat ka ha.”
“I-Viber mo ako ha.” ang sabi niya sa akin.
“Sige.” Lalo akong lumungkot dahil lalong lalaki ang distansya namin sa isa’t isa. Pagkauwi ko, naisip ko na baka talagang nangyayari ito para ipamukha sa aking hindi siya ang para sa akin. Kahit kailan, hinding-hindi siya magiging akin.
Nang dumating ang araw ng kanyang pag-alis, naghintay ako ng text mula sa kanya. Pero wala akong natanggap. Nakita ko na lang sa Facebook posts niya na nasa California na siya kasama ang pamilya. Madalas kaming nagpapang-abot na online. Kahit na gusto ko, hinintay kong siya ang unang mag-ping sa akin.
Isang araw habang nasa trabaho ako, nagulat ako nang mag-rehistro ang pangalan niya sa screen. Nag-send siya ng mensahe sa Viber. Agad naman akong sumagot. Patulog na raw siya noon habang ako naman ay abala sa aking trabaho.
“Parang ayoko na bumalik dyan.” ang sabi niya.
“Sarap ng buhay mo dyan eh.” ang sabi ko.
“Oo. Pucha, gusto ko na dito pero kailangan ko pa bumalik diyan. Punta tayo dito ah.”
Tayo. Napangiti ako nang mabasa ko iyon. Sumandal ako sa aking kinauupuan habang patuloy siyang kinakausap.
“Tayo? Miss mo na ako no.”
“Wala ako maasar dito eh. Basta, pag bumalik ako dito, isasama kita.”
Wala akong mapagsidlan ng tuwa nang mga oras na iyon. Mas pinili kong huwag seryosohin ang usapan namin dahil mukhang miss niya nga ang pakikipag-asaran sa akin kaya’t iyon ang ginawa ko. Pero gusto ko nang sabihin sa kanya. Baka makatulong na nasa malayo siya kapag nalaman niya ang totoo sa akin, ang totoo kong nararamdaman.
“Bago tayo magplano, bumalik ka muna rito. Tsaka may sasabihin pa ako sa’yo.”
“Ano ‘yun?”
“Pagbalik mo na lang. Kailangan personal eh.”
Pero hindi ko nagawa. Halos isang oras na kaming nagpapalitan ng mensahe nang magpaalam na siya dahil kailangan na niyang matulog.
Ilang araw bago ang nakatakda niyang pagbalik sa Pilipinas, muli kaming nag-usap sa Viber. Niyaya niya akong mag-lunch sa unang araw niya pagkabalik sa trabaho. Agad naman akong um-oo dahil gusto ko na rin ulit siya makita. Isang araw bago ang lunch date namin, nagpadala ako ng mensahe sa kanya para kumpirmahin kung tuloy ba ang pagkikita namin. Hindi siya tumugon pero nakita kong binasa niya ang mensahe ko.
Hindi natuloy ang plano. Dalawang araw ang lumipas, muli akong nagpadala ng mensahe sa Viber. May tono ng pagtatampo ang ipinadala ko. Sa pangalawang pagkakataon, hindi siya sumagot. Seen-zoned.
Lalong tumindi ang inis ko sa kanya nang makita ko ang Facebook posts niya na nasa Boracay pala siya nang mga oras na dapat ay magkasama kami. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi niya iyon sinabi sa akin. May plano kaming magkita pero ganon lang kadali sa kanya na basta-bastang hindi ituloy iyon nang walang pasabi. Nagsimula akong magtanong sa aking sarili. Hanggang doon na lang ba ako? Hanggang ganon lang ba ang tingin niya sa akin? Hahayaan ko ba siyang tratuhin ako ng ganon?
Nakaramdam ako ng galit. Naroon naman ako ng mga panahong kailangan niya ng kaibigan. Kahit na patago ko siyang minamahal, hindi ko naman hinayaang makaapekto iyon sa pagkakaibigan namin. Mas iniisip ko ang mararamdaman niya kaysa sa nararamdaman ko. Kaya okay lang sa akin na makita siyang may kasamang ibang babae, okay lang sa akin na makita siyang nagsasaya na wala ako kasi alam kong masaya siya. Pero dumating na ako sa punto ng buhay ko na gusto ko nang isipin kung ano ang makakabuti sa akin. Gusto ko nang makita ang kaligayahan na magmumula sa sarili ko, hindi sa iba. Gusto kong mahalin ang sarili ko.
Nagdesisyon akong hayaan na lang ang mga bagay-bagay. Sinabi ko sa sarili ko na simula sa araw na iyon, pagtutuunan ko na lang ng pansin ang mga taong nagpapahalaga sa akin. Sinimulan ko sa aking pamilya.
Mother’s Day, buong araw kaming nasa labas ng aking ina. Ilang linggo na iyon simula nang bumalik siya mula sa Boracay. Pero wala pa rin akong natatanggap na mensahe o tawag mula sa kanya. Halos nalimutan ko na rin dahil nga sa bagong pananaw ko. Pero bago matapos ang araw, hindi ko inaasahang makatanggap ng text mula sa kanya.
“Hey.”
“Yup?” ang tugon ko matapos ang labinlimang minuto.
“Usap tayo.” Kinabahan ako. Sa tuwing magsasabi siya ng ganyan, alam kong seryoso siya. Takot ako kapag ganyan ang tono niya. Sa tagal naming magkaibigan, ilang beses ko pa lang siya nakitang ganyan. At sa mga oras na iyon, kadalasan ay galit siya.
“Bakit?” ang malamig kong tugon sa kanya.
“Lunch tomorrow please?”
“Okay.” Hindi ko naman sinabi sa sarili ko na kalimutan siya. Siya ang muling lumapit, siya ang may kailangan. Kaibigan pa rin niya ako pero hindi na ako iyong parang aso na labas ang dila sa tuwing bibigyan niya ako ng oras.
“Okay ka lang?” Mukhang nakaramdam siya sa kaibahan ng pakikitungo ko sa kanya. Kahit na nabasa ko agad ang mensahe niya, hindi ako agad sumagot. Halos isang oras ang lumipas bago ako tumugon.
“I’m gonna tell you something tomorrow. Huwag ka magagalit ah.”
“Oo naman. Sige, kwentuhan mo ako bukas.”
Kinabukasan, saktong alas dose ng tanghali nang dumating ako sa napag-usapan naming lugar. Mabagal akong naglakad sa mahabang pasilyo ng Greenbelt habang nakikinig sa mga kanta ni Alicia Keys. Dumiretso ako sa counter at bumili ng kape.
“One warm, grande Americano please.”
Nang kolektahin ng barista ang bayad ko para sa kapeng aking in-order, nagpadagdag ako ng isang frappuccino na paborito niya.
“Pwedeng for later na lang ‘yan? Kapag dumating na ‘yung kasama ko?” Pumayag naman siya. Pagkatapos kong magbayad, may kumiliti sa aking kanang baywang. Nang magbaling ako ng atensyon, nakita ko siyang nakatayo at malapad ang ngiti sa mga labi.
“Miss, pakigawa na ‘yung drink. Thanks.”
Hindi ko siya binati. Dumiretso ako sa isang upuan at agad naman siyang sumunod sa akin. Inabala ko ang aking sarili sa pag-aayos ng bag habang hinihintay siyang magsalita. Mabuti na lang at hindi puno ang Starbucks na napili niya.
“Order lang ako.” ang sabi niya.
“May drink ka na.” ang maikli kong sagot.
“Huh? Wow naman. Alam mo pa rin drink ko.”
“Hello, wala ka naman ibang iniinom dito.”
“Food na lang sa akin. Ano gusto mo?” ang pag-alok niya.
“I’m not hungry.” Tumayo siya para bumili ng pagkain niya. Sakto namang tapos na rin ang drinks namin kaya’t siya na ang nagdala noon sa aming mesa. Wala akong ginawa kung hindi ang maghintay sa kanya at mag-isip sa kung itutuloy ko ba ang balak ko.
“O ano na ‘yung sasabihin mo?” ang tanong niya habang puno ang bibig niya dahil sa croissant.
“Bakit mo muna gusto mag-usap ngayon?”
“Ah. E kasi…” Ikinwento niya ang isang family problem na matagal nang bumabagabag sa kanya. Biglang nanliit ang pinoproblema ko dahil sa sinabi niya. Matapos niyang magkwento, muli niya akong tinanong sa kung ano ang sasabihin ko. Hindi siya madalas na ganito kakulit.
“Wala, wala, wala.”
“Ano nga? Bibitinin mo pa ako eh.”
“Wala nga.” Lumalakas na ang kabog ng dibdib ko dahil nararamdaman kong bibigay din ako kapag pinilit niya pa ako. Pero hindi ko mahanap ang mga salitang sasabihin para maintindihan niya. Natatakot akong kapag sinabi ko sa kanya ay bigla niya akong sapakin o di kaya ay bigla niya akong iwan.
“Hmmm. Di ka na virgin?” ang natatawa niyang paghula.
“Loko!” Binigyan niya ako ng ideya. Pwede ko siyang gabayan habang nanghuhula siya. Sa ganoong paraan, hindi kailangang manggaling sa bibig ko. Siya mismo ang makakahuli.
“Aalis ka na sa trabaho?”
“It’s not work-related.”
“Okay, okay. May girl friend ka na?” ang agad niyang tanong.
Natawa ako. “Wala no!”
“May kinalaman ba ‘to sa ex mo?” Hindi ko maituturing na ex-girl friend talaga ang kaisa-isahang babaeng na-involve sa akin. Pero para mas madalian kaming dalawa sa tuwing magkekwentuhan, hinahayaan ko na lang.
“Oo.”
“Ano? Kayo na ulit? Gusto mo na siya?”
“Hindi. Alam mo ba kung bakit hindi talaga naging kami?”
“Ah! Alam ko na! Sabi mo sa akin dati, may gusto kang iba. Best friend mo!”
Ang bilis! Nakuha niya agad. Rinig na rinig ko ang pagkabog ng dibdib ko habang palapit na ng palapit ang oras na malalaman na niya ang totoo.
“Hmmm.” ang tangi kong sinabi.
“Diba meron kang babaeng best friend nung high school?” Napairap ako dahil sa biglang pagliko niya. Nandoon na eh! Biglang naiba na naman. Panay ang lagok ko sa aking kape.
“Hindi, hindi.”
“Hmm. Ano, kasi tomboy ka? Bakla ka?”
Itinago ko ang aking mukha sa aking mga palad nang banggitin niya ang salitang iyon. Lumaki siyang may galit sa mga bakla at ito na ang oras na kinatatakutan ko. Tinakpan ko ang aking mukha bilang depensa sakaling sapakin niya ako o buhusan ng kape. Hindi ako makasagot. Lumapit ang mukha niya sa akin at bumulong. “Bakla ka nga?”
Isinilip ko sa pagitan ng dalawang daliri ang magkabila kong mata. Tiningnan ko lang siya. Hindi pa rin ako makasagot. Nangingilid na ang mga luha ko pero ayokong gumawa ng eksena kaya’t pinipigilan kong maiyak.
“Okay lang naman sa akin eh. Wala ka namang sinaktang tao…”
“Maliban sa kanya.” ang sabi ko patungkol sa babaeng nagkagusto sa akin.
“Hindi mo na kasalanan iyon na nagkagusto siya sa’yo. Okay lang sa akin. ‘Yun nga, as long as wala ka namang sinasaktang tao. Sa totoo lang, nakakatulong ka pa nga eh.”
“Natatakot akong umamin. Lalo na sa’yo. Alam kong galit ka sa mga…” Hindi ko pa rin magawang masabi ang salitang bakla sa harapan niya. “Naaalala ko kasi lagi ‘yung muntik mo nang sapakin dati kasi tinitigan ka. Naisip ko, iyon tinitigan ka lang. E ako? Nakasama mo ako ng matagal tapos bigla mong malalaman na ganito pala ako.”
“Naghinala naman na ako dati pa. Marami rin nagsasabi sa akin noon.”
“Kaya mo ba ako nilayuan dati?” Muling bumalik sa aking isipan ang tampuhan namin na tumagal ng halos isang taon. Naging malabo ang lahat nang umigting ang pagtingin ko sa kanya. Kasabay kasi noon ay ang pagkakaroon niya ng girlfriend kaya’t wala na siyang oras sa akin.
“Hindi no!”
“Wait, there’s more.” ang sabi ko. Tutal naman, alam na niya, sasabihin ko na ang lahat. Baka hindi na ako muling magkalakas ng loob na sabihin ito sa kanya. “Mabalik tayo ‘dun sa naudlot na relasyon ko.”
“Dun pa rin? O sige.”
“May mas malalim pang reason kung bakit hindi talaga pwedeng maging kami.” ang sabi ko.
“May gusto kang lalaki?” ang tanong niya.
Tumango lang ako. Muli siyang nanghula. Panay lang ang iling ko sa bawat pangalang kanyang babanggitin. Halos ubos na ang iniinom niya pero hindi pa rin niya mahulaan.
“Kilala ko ‘to?” ang tanong niya.
“Oo naman. Huwag ka na masyadong lumayo.” ang pagbibigay ko sa kanya ng clue.
Natahimik siya at napasandal. Nakita ko ang biglang pag-iiba ng ekspresyon ng kanyang mukha. Hindi ko mabasa kung ano ang nararamdaman niya. Binitiwan niya ang hawak na inumin. Nabibingi na yata ako sa lakas at bilis ng kabog ng dibdib ko.
“Ay, parang alam ko na.” ang tanging sabi niya.
Tumango ako bago yumuko. Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. Nanaig ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hindi ko na alam kung ano pa ang sasabihin.
“Wala naman ‘yun sa akin. Wala ka namang ginawang masama sa akin.”
“Ni hindi nga kita mahawakan. Pansin mo? Natatakot nga kasi ako.” ang sabi ko.
“Okay lang, ano ka ba. Wala namang impact sa akin ‘yun. Tanggap ko naman. Tanggap naman kita. Wala namang magbabago.”
“Let’s see.” Alam ko namang matapos ang pagkikita naming iyon, tuluyan nang maghihiwalay ang aming mga landas. Hindi na ako umaasang mas magiging malapit kami sa isa’t isa.
“Test me.”
“What?” ang gulat kong tanong.
“After ilang weeks or months, tingnan mo kung may nagbago. Basta sa akin, wala ‘yun.” ang sabi niya.
Katahimikan… Wala akong ibang naririnig kung hindi ang paggawa ng mga barista ng kape at ang mahihinang pag-uusap ng ibang mga parokyano ng kapehan sa ibang mesa. Nakatingin ako sa labas kahit na nakaupo pa rin siya sa aking harapan.
“Akala ko magwo-walk out ka kapag nalaman mo.”
“Nandito pa rin naman ako.”
Naintindihan ko ang mas malalim niyang ibig sabihin sa sinabi niyang iyon. Hindi ko inasahan na magiging ganito kaayos ang paglalahad ko sa kanya ng sikretong matagal ko nang itinatago. Nagtanong siya kung may iba bang nakakaalam. Sabi ko naman sa kanya na walang ibang nakakaalam sa mga kaibigan namin. Naisip ko kasi na hindi patas sa kanya kung alam ng iba pero hindi niya alam. Gusto kong siya ang unang makaalam.
“Alam ko namang imposible…”
Tumango lang siya.
“Gusto ko lang malaman mo kasi sa tingin ko, dapat malaman mo. Tsaka hindi ko naman ‘to sinabi sa’yo para maging tayo o para mas mahalin ka. Sa totoo lang, gusto ko na kasing pakawalan ang sarili ko sa nararamdaman ko sa’yo. Ayoko nang bigyan pa ng rason ang sarili ko na mahalin ka pa kasi nga imposible namang mapunta ka sa akin.”
Tahimik lang siya.
“Ngayong alam mo na, at ngayong kinumpirma mo na na imposible ngang talaga, I think okay na ako. Makaka-move on na ako. Wala na akong iisipin na what if ganito, ganyan. Tsaka pala, nasa sa’yo na kung ano ang gusto mong gawin. Alam kong may pagka-homophobic ka, so kung uncomfortable kang makasama ako. I’d understand.”
“Sus! Ano ka ba. Wala sa akin ‘yun talaga. Basta di ka naman nakakasakit ng tao.”
“It took me five years, you know, to finally say this to you.”
“Matagal-tagal na panahon ‘yun. Mabuti naman at natanggalan ka na ng tinik ngayon.”
Nasorpresa ako dahil hindi ako nakaramdam ng kahit na anong sakit o panghihinayang nang kinumpirma niyang imposibleng magkaroon ng “kami”. Nagulat nga ako nang mapansin ko ang sarili kong napapangiti habang naglalakad papunta sa sakayan nang maghiwalay kami. Tama siya, nabunutan nga ako ng tinik. Mas maluwag na ang paghinga ko ngayon at mas parang mas magaan na ang aking mga pasanin. Kung mananatili siyang bilang kaibigan ko, wala na akong maihihiling pa. Kung lalayo man siya, hindi ko siya pipigilan. Naging masaya ako sa limang taong patago ko siyang minahal.
Ngayon, oras na para ako naman ang mahalin, oras na para ako naman ang sumaya. Magandang simula para sa akin na wala na akong pinanghahawakan sa aking nakaraan.